TPD: chapter twenty-two

1.6K 90 38
                                    

Halooo! super saya ako dahil naka abot ako sa pagsulat ng chapter22, akalain niyo yun. Tsaka thank you din at naka abot din kayo sa chapter na eto, sana naman suportahan niyo eto hanggang dulo heheh

Enjoy reading!

Mikko POV

Woooo! Excited ako sa bonfire party mamaya. Sigurado masaya yun, lalo na at nandyan si crush. Naks!

Nandito kami ngayon sa convenient store ng isla, kasama ko si Patrick, Haylee at George ang pinsan ni Aya, kami kasi ang naatasan na bumili ng mga inumin at pagkain. Sila Nyle at ang iba naman naghahanap ng kahoy, at may ginagawa din na iba.

"Umiinom ba kayo nito? " Tanong ni George sabay pakita sa amin ni Patrick ang inumin na pulang kabayo.

Si Haylee kasi nasa Kabilang aisle, namimili ng karne, habang kami mga lalaki nandito sa beverage.

"Hahah syempre, lalo na si Mikko ginagawang tubig yan." Sambit ni patrick tsaka siniko ako

"Baliw! Baka ikaw, sa atin apat ikaw ang malakas uminom. Parati ka ngang gumagapang pauwi dba?" Sambit ko sa kanya

"Hahaha naranasan ko din yan. Eto ang ininom ko nung birthday ng kaibigan ko, tapos Umuwi ako sa dorm ko na gumagapang na din. Grabe yung hangover ko nun fuck! Eh may quiz pa ako nun sa isa ka major subject, kaya ayun ang score ko gumagapang din." Sabi naman ni george

"Hahhaa nice! College ka na pala George?" Tanong ko

"Oo, First year college na."

"Ano course mo?"

"Hmm Hospitality Management."

"Naks! Hulaan ko George favorite subject mo yung nagtitikim kayo ng mga inumin no? Heheh yan din kasi ang paborito na subject ng isa kong pinsan."

"Hahaha tama ka dyan patrick. Saya ng subject na yun. Pumasok ka ng school na ok pa pero paguwian may tama ka na hahah."

"Naks! Mag HM na din kaya ako pag college. Heheh tutal may itsura din naman ako dba mikoy? "

"Hehe oo naman may itsura ka Patrick, d nga lang gwapo ."sabi ko at tumawa si George sa akin sinabi.

Sinamaan naman agad ako ni Patrick ng tingin. Pero hindi ko na pinatulan heheh

Pagkatapos ng paguusap na yun bumalik kami sa pagbibili. Humiwalay muna ako kina Patrick at George dahil kailangan namin ehati ang bilihin. At habang kumukuha ako ng marshmallow biglang may narinig ako na parang nagbubulungan na mga babae.

"Kyaaa ang gwapo niya girls!"

"Oo nga, at ang hot! Sheyt!"

"Besh, saluhin niyo ovaries ko kyaaah!"

Uhhhh.. hindi ko alam kung ako ang tinutukoy nila, pero para kasing ako lang ang lalaki customer dito sa aisle.

At dahil medyo na didistract ako tumingin ako sa pwesto nila. At natawa ako dahil nangisay sila.

"Yieeeee.. tumingin siya tumingin siya!"

"My gheed tubig! Ang hot talaga!"

"Uwaaah! I kennot ang gwapo ni koya!"

Ehem. nakakahiya.. kahit na palaging ganito ang sitwasyon ko sa school hindi pa rin ako sanay, lalo na kapag ako lang magisa. Tss..

Pero hindi din naman ako suplado para hindi din pansinin ang papuri nila, kaya naman..

"Heheh thank you." Sabi ko tsaka ngumiti sa kanila

"Uwaaaah! " Sabay nila sigaw tsaka kinilig.

Natawa na lang ako dahil ang cucute ng kanilang reaksyon.

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon