TPD: chapter three

3.7K 169 63
                                    

Kabanata tres . Sana magustuhan niyo ^^

Dedicated to @owwztin Maraming salamat sa walang sawang pagsupporta sa akin. At sa pagreremind sa akin na mag update hehehe. 

Enjoy reading!

Patrick POV

"Grabe, ang tagal mo pat!" Sabi ni Matrix nang makasakay ako sa kotse niya

"Ano bang kinuha mo pa sa locker mo? Bakit ang tagal? Kanina din ang tagal mo." Sambit ni mikko

"Kinuha ko lang bag ko. Iniwan ko kasi kanina. Atsaka kanina naman natagalan ako kasi.." Agad ko kinuha yung kwintas na nasa bulsa ko at ipinakita sa kanila.

"Ouh kanino yan? Sayo ba yan?" Tanong ni matrix

"Hindi. Pero nakita ko kanina habang nagwawalis ako. Tatanungin ko sana kung kanino eto pero wala na kayo. Pambihira iniwan niyo ako sa loob." Reklamo ko sa kanila

"Pakita nga yan." Sabi ni mikko tsaka kinuha ang kwintas

"Oi akin na yan mikko." Sabi ko habang inaagaw

"Teka lang. Titingnan ko lang. Wag kang malikot." Sabi ni mikko "Ganda ng disenyo ha. Halatang mamahalin. Antique siguro to no? "

"Patingin nga niyan mikko." Sabi ni nyle na nasa passenger seat.

Agad naman inabot ni mikko kay nyle tsaka sinuri ang kwintas.

"Oi patrick, sinabihan mo ba si Sir Sev tungkol dyan. Baka sa kanya yan. " sabi ni matrix habang nagdadrive.

"Plano ko sana. Pero atat na kayo umuwi eh." Sabi ko

"Naku pat, esauli mo yan kay Sir Sev. Galing pa naman yan dun sa kwarto. Hindi mo alam baka may kung ano meron dyan." Sabi ni mikko

"Tol, may naramdaman ka din dun sa kwarto na yun?" Tanong ko kay mikko

"Syempre. Sa pagbukas pa lang ng aircon ni nyle, nararamdaman ko na kakaiba yung hangin."

"Talaga. Akala ko ako lang yung nakaramdam eh."

"Tss ano ba kayo, tinatakot niyo lang sarili niyo. Wala naman kakaiba dun eh." Sabi ni matrix

"Anong wala? Meron trix! Parang may nakatingin nga sa akin habang naglilinis ako eh. Tsaka hindi niyo ba napapansin na ang lamig lamig ng aircon eh hindi naman yun ginagamit pero yung hangin iba talaga! " ani ko sa kanila

"You are just scaring yourself patrick. If i were you, ititigil ko na ang pagiisip ng ganyan kasi baka mamaya hindi ka na naman makatulog at kukulitin mo naman ako. Ouh sauli mo na yan kay sir sev." Sabi ni nyle sa akin atsaka ibinigay ang kwintas.

"Hmmph. Bahala kayo kung hindi kayo naniniwala sa akin."

"Naniniwala ako sayo patrick." Sabi ni mikko

"Aww talaga. Sweet mo talaga Prince." Sabi ko

"Yuck! Wag mo akong matawag tawag na prince, nakakapangilabot." Reklamo ni mikko

"Hahaha bakit kung babae ok lang?"

"Syempre oo. Pero sayo wag mong subukan."

"Ay graveh siya. Hahah bukas ko na lang eto ebabalik kay sir sev echachat ko na lang siya mamayang gabi. Hindi ko kaya alam kung nasaan bahay niya." Sabi ko

"Ouh sige. Basta balik mo yan. Masama pa naman mangkuha nang bagay na hindi sayo." Sabi ni matrix

"Opo, lolo matrix."

"P*kyu pat!"

"Same to you. Hahahah"

----
"Haay salamat. Home sweet home na din. " sabi ko nang makarating sa bahay.

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Where stories live. Discover now