TPD: chapter eleven

2K 111 27
                                    

Diz iz it pansit! Magsisimula na ang katatakutan at kaba-liwan xD lol

Enjoy reading!

Patrick POv..
Naks! Umalis si gab at sinundan si pinsan. Naku naku, sigurado kinikilig yung mokong. Hahaha

Hindi ko alam kung bakit nagkaganun yun bigla . Bakit niya nasabi na may hindi tama sa anak ni Miss hanna na si Theresita eh para naman mabait yun eh.

Possible kayang nahilo lang si matrix sa byahe? Eh parang anlabo naman, eh kanina nga nagbibiro pa yun habang nasa daan pa kami. At kahit sinabihan ko siya sa akin panaginip balewala niya lang ang kaba. Hindi gaya kanina.

Hmm... Pinsan tama kaya yung kutob mo?

"Ouh patrick, tahimik ka naman. Anong bang iniisip mo ngayon? Yung panaginip pa rin ba?" Tanong ni sir sev sa akin.

"Naku, hindi no. Medyo ok na ako. Heheh napagtanto ko kasi na baka tama si gabby na kapag panaginip hindi yun nagkakatotoo. " sabi ko tsaka ngumiti

"Well thats good that you finally recovered. " sabi naman ni Nyle tsaka tinapik ang braso ko

Sumang ayon lang ako sa sinabi niya at dun ko lang din napansin na nakatingin pala si Haylee sa akin.

Anong ibig sabihin ng tingin na yan haylee? Bakit pakiramdam ko may sinasabi ka sa akin?

C-could it be na type mo ako?! Huwaat! Naku naku hindi yan maari dahil baka mapatay ako ng bespren ko xD

At bago ko pa naman siyang tanungin umiwas na siya ng tingin.

Weird.

Hindi ko na lang din yun pinansin. At inilibot na lang muli ang mga mata ko sa kwarto.

Ang laki laki ng kwarto na tu. Pero isang french window lang ang meron. Pero kahir ganun maaliwalas pa rin din naman. Sinabi kanina ni Theresita na Sala tu nila grabe meron talaga silang parang waiting room sa mga bisita. Sosyal.

At napansin ko dun sa corner ng kwarto ang mga sari sari na picture frame. Kaya tumayo ako upang tingnan iyon.

"Ouh saan ka naman pupunta?" Tanong ni mikko sa akin

"Titingnan ko lang ang picture frames nila. " sabi ko at tumayo.

Hindi ko na inalam kung tiningnan ba nila ang pagtayo ko. Basta diretso lang ako ng lakad papunta dun sa mesa na may mga frames.

"Ohhh sila pala ang pamilya Zamora." Sabi ko habang isa isa tiningnan eto.

Ang mga pictures nakikita ko ay halo halong black and white tsaka may mga colored din. Hindi ko na masyado pinansin ang black and white dahil medyo maluluma na eh kaya hindi ko masyado makita ang mga pictures.

Dun ako tumingin sa mga colored. At sinusubukan ko hulaan kung nasaan dito si Hanna Zamora. Madami kasing babae sa mga litrato dito.

"Patrick."

"Ay Kalabaw! Haylee! B-bakit ka nangugulat ng ganyan? Kanina ka pa ba dyan? " sambit ko sa biglaan na pagsulpot ni haylee sa gilid ko.

"Nagulat ba kita? Naku sorry ha." Sabi niya

"Hehe ok lang. Hmm bakit ka pala nandito? Titingin ka rin ba sa mga pictures?" Ani ko sa kanya

Iling ang isinagot niya sa akin. Kaya nagtaka ako bigla.

"Hindi? Then kung ganun may kailangan ka sa akin?" Sabi ko sa kanya

"Hmm.. Hindi ko masabi na kailangan, pero kasi may gusto lang ako sabihin sayo. Hindi ko sana ebabanggit eto pero nung nangyari ang panaginip mo bigla ko napagtanto na maybe i also need to tell you this, baka kasi hindi sila maniniwala sa akin." Ani niya

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang