TPD: Chapter Fifty

1.1K 64 8
                                    

Last update for this week. And kasabay ng pagtapos ko sa update na eto ay ang pagtatapos ko basahin ang kwento ni Hades Riego, my ghed! I cannot hirap mag move on. But anyways, kailangan ko din sabihin na baka next week walang update huhuhu kasi medyo namemental block ako, running low in inspirations kaya kinakailangan ko mag recharge huhuhu patulong naman po for inspiration :(

Sisikapin ko talaga na makabalik agad, kaya kapit lang guys. At habang walang update, share your thoughts and comments sa chapter na eto or sa story na eto. Baka sakali maging daan yan sa pagkainspire ko ^^ heheh. Masyado na ata ako madaldal heheh sige na nga, I will stahp na. Lol

Enjoy reading!

Gabby POV..
"Aray ko naman clau! Wait-Teka lang! Ang bigat ng kamay mo!"

"Ah nabibigatan ka? Nabibigatan ka ha! Eh di mabuti." Isang malakas na sapak ang ginawa ni Miss Clau kay Sir Sev kaya eto napalayo.

Pero di hinayaan ni Miss Clau na makalayo si Sir Sev kaya hinabol niya eto

" You deserve this dahil sa ginawa mo sa amin kanina!! At wag ka dyan maka reklamo! Akala mo ha mapapalampas namin ang ginawa mo! Kahit muntikan ka na ma aksidente, hindi! Dahil di ko pa rin makalimutan na kinulong mo kami!" Patuloy sa paghampas si miss clau kay sir sev

Naghahabulan na sila Miss Clau at Sir Sev. Umiiwas kasi si Sir Sev sa mga sapak ni Miss Clau kaya mas nadadagdagan ang pagkabwesit ni Miss.

"Clau, clau chill naman sa pagsapak. Eh nagawa ko lang naman iyon dahil ayoko kayo madamay-Ahh!"

"Oi! Sir severino wag mo akong gawin shield!" Reklamo ni mikko habang pumunta si sir sev sa likuran niya.

"Che! Laos na yang rason mo! At pwede ba lumabas ka dyan sa likuran ni mikko, harapin mo ako!!!!" Kasabay ng pagkasabi ni miss clau ay ang muntikan na niya maabutan si Sir Sev pero nakatakbo eto at nagtago ulit sa likuran ni Nyle.

Haay naku! Parang mga batang paslit ang dalawang tu.

Napangiti na lang ako habang ginawang panangga ni sir sev si nyle.

At kahit nagugusot na ang damit ni Nyle nagpatuloy ang walang ekspresyon nito. Heheh

Pinapanood ko lang habang nakaupo sa sofa ang nakakaawa na Si Sir Sev habang hinahampas at sinasapak ni Miss clau. At enjoy na enjoy ako panoorin eto, buti nga sayo sir sev bleh!

Heheh hindi sa pagiging masama pero nakakainis kaya ang ginawa niyang paglock sa amin dun sa 'You know room' . Tsaka pasalamat siya at nakaisip kami ng plano kung paano makatakas dun dahil kung hindi nakuha na siya ni Mistress..

"Miss Gabby."

Napalingon ako ng biglang may tumawag sa akin. At di ako nagulat na makita si James ang butler ni sir sev sa gilid ko na may black eye sa kanan mata.

Naku naawa ako kay james, kami kasi ang may gawa nun sa kanya. Para makatakas kanina.

Gusto ko sana humingi ng tawad pero naunahan niya ako ng may inabot siya sa akin na agad ko naman itinanggap

"Ah thanks James. At sorry pala kanina" Ani ko tsaka siya umalis.

Napatingin ako sa hawak ko at sa katabi ko nakaupo din dito sa sofa na nag eenjoy din sa paghahabulan at sapakan ni Sir Sev at Miss Clau.

"Matrix, ouh."

"P-para saan to Gab?" Nakita ko na nagtataka siya sa inabot ko sa kanya.

Abat nagtataka pa ang isang to, eh alam naman niya ang kalagayan niya.

"Ulyanin ka ba Matrix? Hindi mo alam kung saan gagamitin ang ice pack na yan? " pambihira na lalaki.

"Tsk! Hindi ko yan kailangan." Ani nito tsaka ibinalik ang tingin sa harap.

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Where stories live. Discover now