TPD: Chapter Forty-two

1.1K 65 16
                                    

Here is the last update for this week. Hope you will like it.

Enjoy reading

Matrix POV..
Katatapos ko lang maligo ng may kumatok sa pinto.

"Pasok."

Pagkatapos ko sabihin yun bigla pumasok si Dad.

"Yes, dad may kailangan ka?"

"Hmm...wala naman. Pero you might want to hurry up, dahil may naghihintay sayo sa ibaba. " sabi ni dad tsaka ngumiti pa na medyo nanunukso.

Ok? Anong nangyayari kay Dad at ganyan siya makangiti? Atsaka ano sabi niya, may naghihintay sa akin? Sino? Tumingin ako sa orasan at nakita na 10am pa lang, at mukhang wala naman ako naalala na may gusto makipagkita sa akin na ganitong oras.

Tsaka kahapon napagusapan namin nila Nyle na magkita kami ngayon 12pm. Possible kaya si patrick ang nasa ibaba or si mikko?

Hmm.. well theres one way to find out kung sino yun.. kaya naman agad ako kumilos para matapos agad ako sa pagbihis at makababa.

And what I saw downstairs surprise me. Namamalikmata ba ako? Or baka naman nag time travel? Dahil nakikita ko ngayong ang taong noon ko lang nakikita bumibisita sa bahay.

"Nandyan na pala si Matrix, Gab. Son, come join us for snacks, may dinala si Gab na cake. And kanina pa si Gab dito naghihintay heheh" sabi ni Dad habang naka upo sa sofa namin kasama si Gabriella na nakaupo din pero nasa kabilang side.

"Morning!" Bati niya...at nakangiti?! Teka-si gabriella ba eto? Or baka doppleganger lang.

at nakangiti?! Teka-si gabriella ba eto? Or baka doppleganger lang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Matrix, natulala ka na dyan. Anong nangyayari? May sakit ka ba?"

"Ah nothing d-dad. Im fine..uhmm morning Gabriella. A-anong ginagawa mo dito?"

Hindi ko maiwasan hindi siya tanungin. Dahil nagugulat pa rin ako sa nakikita. Kasi naman after 4 years ngayon lang ulit siya bumisita dito sa bahay.

"Hehe bakit Matrix, ayaw mo ba ako nandito? Naku, sorry. Sige aalis na lang-"

"No! Dont leave. H-hindi yan ang ibig ko sabihin.. uhmm, ano kasi ah nabigla ako na makita ka dito, since ang aga aga pa." Sabi ko habang hindi mapakali.

Damn! Maayos lang ba ang mukha ko? Tsk! Kung alam ko lang na si Gabriella ang bisita sana nagpa gwapo ako ng husto. Di tuloy ako handa sa dinamit ko!

"Heheh inutusan kasi ako ni Mommy na bigyan kayo ng cake ni Tito. Kaya I am here." Sagot naman ni Gabriella

"G-ganun ba..ah ok..."

"Son, ok ka lang ba talaga? Bakit pakiramdam ko hindi..hmm halika na nga dito at saluhan mo kami." Sabi ni dad sa akin "Wag mo masyado epa awkward si Gab"

Dad, hindi si Gabriella ang naawkwardan kundi ako! Tss! Agad din ako naupo sa kaliwang banda ni Gab para naman hindi siya ma awkwardan.

"Alam mo ba ako ang nagyaya sa kanya na pumasok tsaka saluhan tayo sa dinala niya kasi masyado madami. Eh alam mo naman konti lang ang tao dito sa bahay, tapos si Manang may diabetes pa kaya hindi natin agad mauubos ang cake. Naku, mabuti na lang at pumayag siya. Kaya umupo ka na dyan at samahan kami dahil maya maya din aalis na ako para sa trabaho, which is why you keep Gabby entertained. "

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Where stories live. Discover now