TPD: chapter 17

2.1K 107 35
                                    

Last chapter for the first Mystery. Abangan ang susunod na mysteryo heheh

Enjoy Reading!

Gabby PoV

"Ina! Ama!" Sigaw ni anabella ng makita ang dalawang matanda na binalutan ng liwanag. Yumakap siya agad sa kanila at gumanti din eto sa kanya.

"Anabella anak ko. Hindi mo alam kung gaano kami kasaya na makita ka muli. "

"Ako din ina, ama. Sobrang gustong gusto ko na kayong makapiling. At nalulungkot po ako dahil sa huling araw ko dito sa mundo hindi ko man lang nasabi sa inyo na mahal na mahal ko po kayo."

"Anak, kahit hindi mo sabihin alam naman namin ng ina mo kung gaano mo kami kamahal. At sobrang nalulungkot ako sa inyo pinagdaanan. Patawad anak, hindi kita naeligtas sa kapahamakan."

"Ama, wag niyo po sisihin ang sarili niyo. Akin po iyong desisyon at kahit ganun ang nangyari sa akin kailanman hindi ako nagalit sa inyo or kay ate. At natutuwa ako na ngayon ay nakita ko kayo ulit." Sabi ni anabella

Habang nasasaksihan namin eto hindi ko maiwasan na hindi maluha. Nakakatouch kasi eh, tsaka hindi ko maiwasan hindi din maisip ang magulang ko.

"Alam mo ba anabella, sobrang pinagmamalaki ka namin ng ama mo. Dahil sa ginawa mo kanina at sa hindi mo pagtanim ng galit sa kapwa. Kaya naman anak binigyan ka ng diyos ng biyaya upang masuklian ang lahat ng kabutihan na ginawa mo." Ani ng ina ni anabella

"Ano pong ibig niyo sabihin?"

"Anak, makakabalik ka na sa amin. At kailanman hindi na tayo magkakahiwalay. Tayo ng ama mo."

"T-talaga po?"

Tumango naman yung magulang ni anabella at hindi na niya maiwasan na hindi umiyak. Awww nakakatuwa naman! Akala ko wala ng pag asa, pero tingnan niyo nga naman ang bait bait talaga ni Lord.

Napatingin ako sa akong katabi na si haylee at nakita ko na umiiyak na din siya.  Kaya naman inakbayan ko siya tsaka hinagod ang balikat.

Tapos tumingin din ako sa iba namin na kasamahan halata na natutuwa sila sa narinig. At nagulat na lang kami ng biglang lumingon ang mga magulang ni  Anabella sa amin.

"Hindi namin alam kung paano kayo pasasalamatan. Maraming salamat din sa inyo. Dahil sa tapang niyo nakapiling ulit namin ang aming anak. Sana gantimpalaan kayo ng diyos." Ani ng ina ni anabella

"Naku mam, sir walang anuman po iyon. Tsaka kung hindi din naman dahil sa anak niyo baka napahamak na din kami." Sabi ni sir sev

Ngumiti lang sina Mr and Mrs Zamora. At hindi nagtagal may liwanag ang nangyari .

"Anabella anak, kailangan na natin umalis. Magpaalam ka na sa kanila."

Lumingon sa amin si Anabella tsaka ngumiti bago nagsalita.

"Maraming salamat sa inyo lahat. At nawa'y hindi magbabago ang inyong samahan. Nasaksihan ko kung paano kayo mag alala sa isat isa at kung paano hindi niyo pinababayaan ang mga kasamahan niyo. Sana hindi iyon magbabago dahil kapag pinagpatuloy niyo ang katangian na yan nasisiguro ko na lahat ng pagsubok na harapin niyo na magkakaibigan ay malalampasan. "

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Where stories live. Discover now