TPD: Chapter Forty-six

998 58 8
                                    

Malapit na magtatapos ang 2019, Oh my! Time flies so fast. Sana next year in the first 6 mos matapos ko na din tu hehehe, espiritu ng kasipagan kailangan kita..

Enjoy reading!

Kye POV..
"Teka! Teka! Ano sabi niyo? Nawawala si patrick ?! Paano? At sinong babae?"

"Hindi pa kami sure Miss. Clau, but we tried everything to contact him pero wala. Di pa namin siya nakikita. And considering sa mga nangyayari dito na kakaiba, hindi nalalayo na isipin namin ang possible na kalagayan ni patrick."

Nang sinabi ni Haylee iyon agad napakamot si Miss Clau sa kanyang ulo.

"Aish! Bwesit talaga ang Mistress na yun! Problema ang laging dala! Akala ko isa lang ang nabitikma niya, mukhang may isa pa!"

"Ano sabi mo Miss Clau?" Tanong ni Mikko

Mahina ang pagkasabi nun ni Miss Clau pero narinig ko pa rin yun..

Mistress? Sino yun? Yun ba ang pangalan ng babae? At saan ko ba narinig ang pangalan na yun?Gusto ko sana magsalita pero naunahan ako ni Miss Clau.

"Ahh wala mikko. Wala akong sinabi ang mabuti pa wag na kayo masyado mag-"

"Mistress? You mean mistress..of love?" Sabi ni nyle

Agad naman napatingin si Miss Clau kay Nyle dahil sa  sinabi nito. Halatang nagulat siya sa biglaan pagsingit ni Nyle.

Hmm.. mukhang hindi lang ako ang nakarinig sa sinabi ni Miss Clau, matalas din ang pandinig ng lalaking tu. Halatang chismoso eh no.

"P-paano mo alam ang pangalan na yun?"

"Long story Miss Clau, but before we explain everything we really need to see the CCtv footage, to make sure patrick is safe." Sabi ni nyle

Natahimik si Miss Clau, habang kami inaabangan pa rin namin ang kanyang sagot. Miss naman, pumayag ka na dahil tumatakbo ang oras ouh!

Huminga ng malalim si Miss Clau bago nagsalita ulit..

"Sigh, sa loob natin eto pag usapan. Jean, tumawag ka muna kay Nurse Carl sabihin mo mamaya pa ako makakapunta sa clinic. At wag ka muna magpapasok ng kahit sino sa office." Sabi ni miss clau at agad lumakad pabalik sa office niya.

Sumunod din naman agad kami sa kanya. At nang nasa loob kami agad sinabi ni Miss Clau na umupo kami muna sa Sofa.

"Ok, one of you can start looking for the Cctv footage that you need while the rest, sabihin sa akin ang mga nalalaman niyo."

Agad naman kumilos si Matrix para puntahan ang computer ni Miss Clau, habang si nyle ang nagvolunter para magpaliwanag.

Sinabi ni Nyle ang lahat ng amin nalalaman, except sa mga nalalaman niya ngayon tungkol kay cleo. Nagtaka ako kung bakit niya iyon hindi sinabi, pero ayoko naman maging bida bida sa ngayon.

Siguro naman alam ng mokong na tu ang ginagawa niya dba? At nang matapos mag explain..

Nakatulala lang si Miss Clau sa amim habang nambilog ang mga mata. Ouh? Anong nangyari kay Miss Clau? Ok lang ba siya?

"Miss clau? Ok ka lang ba?" Tanong ni gab sa kanya.

At dahil dun parang naputol ang pagkatulala ni miss clau sa kawalan.

"Huh? Ah! Oo, ok lang ako. Sorry at natulala ako, nagulat lang kasi ako sa mga nalalaman niyo. Bakit ang dami niyo ng alam tungkol dito? At paano?"

Dun kami natahimik. Hindi din kasi sinabi ni nyle ang paglagay niya ng bug kay sir sev.

"Ouh kayo naman ang natahimik dyan, bakit di kayo makasagot? Dont tell me, may tinatago kayo sa akin?" Sabi ni miss clau

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Where stories live. Discover now