TPD: Chapter Fifty-four

1.1K 57 5
                                    

Better late than never ;) heheh sorry at ngayon lang naka update. Medyo na writers block eh ..but then again only 3 chapters to go, Season Finale na ^^ kitakits tayo sa huling chapter

Enjoy reading!

Matrix POV.
"Hala di ko na masyado nakikita sina Jaehyun at Janice. Matrix bilisan mo dyan!" Sigaw ni Gabriella sa akin habang sinusubukan habulin ang koreanong hilaw na yun.

Nandito kami ngayon sa isang peryahan na kung saan sinusundan namin ni Gabriella Si Jaehyun ang koreanong hilaw at si Janice sa kanilang date.

Napag desisyunan kasi NILA, oo sila lang dahil ako tutol ako sa plano na esali ang koreanong hilaw .

Naalala ko tuloy ang panahon na kung saan nalaman ko na esasali namin ang koreanong hilaw na eto. Nakakabadtrip!

Flashback..

"Bakit biglaan nagpatawag ng meeting si sir sev? May alam ba kayo? Tsaka nasaan si Gabriella?" Tanong ko sa mga kaibigan ko ng sabay kami naglalakad patungo club room.

Kanina kasi bigla nagsignal ang mga relo namin upang pumunta kami sa clubroom.

"Matrix, alam mo naman na binabantayan ka lang namin kanina dba? Kaya malay namin kung bakit biglaan ang pagtawag ni sir sev sa atin." Ani ni mikko

"Atsaka kanina nag CR si gab habang nandun tayo sa field. Pero hindi na namin alam kung saan siya pumunta, lalo na at sinundan ka namin sa clinic."

"Ibig mong sabihin patrick, hindi man lang kayo nagtaka kung bakit hindi bumalik si Gabriella? Baka napaano na iyon!" Bigla naman ako kinabahan sa akin nalaman.

Ano ba naman tu sila! Bakit hindi nila agad sinabi na hindi nakabalik si Gabriella para sana nahanap ko!

"Matrix chill! Tinext ko si Gabby kanina may dinaanan lang daw." Sabi ni kye nag akma na sana ako aalis "Wag ka ngang masyado mag alala kay Gabby. Walang masamang mangyayari dun. Mas kabahan ka nga sa sarili mo ngayon eh. Dahil parang nakita namin kanina nakuha mo ang atensyon ni Mistress."

"Kye is right, Matrix. Sa nakita namin kanina mukhang nakuha mo ang interes ng target natin. Kaya naman we better be prepared on what's gonna happen next." Sabi ni haylee

"And Also matrix, baka nandun na sa club room si Gab. So dont worry too much." Ani naman ni nyle

Ughh.. wala na akong nagawa ng pagkaisahan nila ako. Kahit gustuhin ko man hanapin si Gab, alam ko naman na hindi nila hahayaan ako makaalis.

Kaya naman ng malapit na kami sa clubroom hinihiling ko na lang na sana nandun nga si Gabriella.

At hindi naman ako binigo..

Ngunit, anong ginagawa ng koreanong hilaw na eto dito? At  bakit magkasama sila ni Gabriella?!

"Nandito na pala kayo, bilisan niyo na maupo para magsimulan na natin ang pagpaplano." Bungad ni sir sev

"Anong ginagawa ni Jaehyun dito?" Tanong ni kye na gusto ko rin tanungin sa pagpasok ko pa lamang.

"Eexplain namin mamaya Kye. Pero kasali eto sa plano." Ani naman ni Gabriella

"Pagpaplano? Ano ang paplanuhan natin sir sev?" Tanong ni patrick

"Plano para hulihin si Mistress."

"Pero hindi pa nakukuha ng mga lalaki ang interes ni mistress. Kaya paano tayo makakaplano?" Tanong naman ni kye

"Tungkol dyan..tutulungan tayo ni jaehyun para sa bagay na yan." Bigla sabi ni Gab

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Onde histórias criam vida. Descubra agora