TPD: chapter Thirteen

2.1K 124 63
                                    

Unting unti na malalaman natin ang misteryo ng Kwintas ni Anabella heehe..

Enjoy reading guys!

3rd Person POv
Habol hininga ang nararamdaman nila Nyle, Patrick at Sir sev habang kasama si Theresita ngayon sa ikalawang palapag.

Kasalukuyan kasi sila tumatakbo sa mahabang pasilyo ng bahay ng mga Zamora. Pagkatapos ng nasaksihan nila sa Unang palapag hindi na sila huminto sa kakatakbo.

Ngunit hindi mapigilan ni Patrick na magtanong..

"S-saan ba tayo pupunta?" Ani niya habang hinihingal.

"Patrick, tigilan mo na lang nga ang pagtatanong (huff) basta sundan na lang natin si Theresita dahil tutal (huff) kabisado na niya ang bahay." Ani naman ni sir sev kay patrick.

Hindi na ulit nagsalita si Patrick dahil hapong hapo na siya pero nandun pa din yung takot kanina ng nakita nila ang babae na nakaharang sa pinto sa ibaba.

Sariwa pa rin kasi sa kanyang isipan ang imahe ng babae. Kahit hindi nila makita ang mukha dahil natatabunan eto ng mahabang buhok, ramdam pa rin nila na hindi siya ang normal na tao. Sumabay din kasi ng pagtaas ng kanilang balahibo sa leeg nang makita eto.

Anyone who could seen the lady would immediately know that she could be dangerous.

At sa isip ni Patrick inihalintulad niya ang babae Sadako sa The ring. Isa sa mga horror characters na kinakatatakutan niya Kaya naman ganito na lang siya kabilis tumakbo papalayo sa first floor.

Sa kabilang dako naman habang tumatakbo si Nyle ay hindi niya maiwasan na magisip na kung ano ang nararamdaman niya.

Para daw kasing may mali. At hindi niya matukoy kung ano. Ang dami dami na kasi niyang tanong sa kanyang isip..

Nangunguna na dun ay 'Saan nangagaling kanina si Theresita?', 'Why is she suddenly upstairs? I thought naghahanda siya ng meryenda? At bakit natagalan? Is it because of that mysterious girl?', and who was that girl?'

Lahat na yun ay naiisip niya, at gustuhin niya man huminto upang makapagisip at hanapin ang sagot..hindi niya maaring gawin iyon, dahil baka maabutan sila ng babae. Maski siya natatakot at kinakabahan sa nakita kanina.

Pero ang ikinapagtataka din ni Nyle ay kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin umiimik si Theresita?

May problema ba siya or sadyang na trauma lang? Tanong ng isip niya.

At dahil parang kakainin na siya ng kuryosidad sa mga katanungan niya, magsasalita na sana siya..

Pero bigla siyang may naaalala..

"T-teka! " sabi ni Nyle at napahinto sa pagtakbo

Agad naman napahinto sila Sir sev at patrick at napatingin kay nyle ng biglaan eto nagsalita.

"Bakit nyle? Anong problema?" Tanong ni sir sev na halatang habol na ang hininga

"Kailangan k-kong bumalik sa ibaba." Sagot naman ni nyle

"Huwaat?! Nyle, anong pinagsasabi mo? Babalik ka dun? Nababaliw ka na ba? Eh alam mo naman nandun si sadako!" Ani ni patrick habang nakahawak sa tuhod niya

"Sadako?! Ano! Nandun si sadako sa the ring din kanina!?" Ani ni sir sev na may takot sa boses sa narinig

"Huh? Hindi,yung babae ang tinutukoy ko kanina sir sev na si sadako! Diba kapareho ang itsura ng babae kanina kay sadako? puti ang damit tapos mahaba ang buhok na hindi natin nakikita ang mukha, tapos dagdagan mo pa ang nakakakilabot na aura sa paligid Brrrr kinikilabutan talaga ako sa kanya sa tuwing naalala ko siya."  Ani ni patrick habang humawak sa balikat niya at nanginginig sa pagsalita.

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt