TPD: chapter 23

1.4K 89 17
                                    

Short Update muna. Bawi sa susunod ;)

Enjoy Reading!

Third Person POV.

GROAARGH!!

GROAARGH!

"Konting tiis na lang kaibigan dahil ngayon gabie mabubusog ka na."

Ika ng isang lalaki habang kausap ang isang hindi maepaliwanag na nilalang. Nasa isang gusali sila ngayon sa isla na kung saan tago sa mga tao.

Walang pwede makapasok dito kundi siya lang. Dahil sa itinitago na sikreto ng isla.

GROARGHHH!

"Wag kang mag alala madami kang makakain dahil puno ang isla ng mga tourista. Atsaka nararamdaman ko din ang mga emosyon na nararamdaman nila,lalo na sa mga kabataan! They are much sensitive to whats happening to them, hindi agad nila iyon nakokontrol." Sabi ng lalaki tsaka tumawa na parang nasasapian.

"Hahahaha at nagpapasalamat ako sa ganun na katangian nila. Dahil sa kanila mas lalo ako at ikaw kaibigan na lumalakas! Those emotions that they felt will bring them to danger. Hahaha how sad, but the hell we care!" He said then laugh.

At sabay sa pagtawa ng lalaki ay siya din pag ingay ng nilalang na parang naiintindihan din ang mangyayari, at natutuwa eto.

GROARGHHHH!!

Gabby POV

Huh? Ano yun bigla kong narinig? Totoo ba yun or guniguni ko lang?

Aish! Wag ka muna mag isip ng kung ano ano Gabriella, dahil ngayon nasa harapan mo na ang Matandang babae na kung saan kanina mo pa hinahanap.

At isa din sa dapat aalahanin mo ay kung saan pumasok kayo sa kubo niya, na kung saan matatagpuan ang mga kakaibang bagay.

Sino ba siya?? At may kinalaman ba siya sa dugo na nasa kakahuyan?

"Lumalakas na siya." Bigla sabi ng matandang babae

Huh? N-narinig din ba niya ang narinig ko kanina. Gusto ko sana siyang tanungin pero naunahan na ako ni Matrix magsalita

"Ah.. lola, sorry po kung pumasok kami ng walang pahintulot. Pero kasi..ah ano-"

"Wag na kayong magpaliwanag. Alam ko na ang pakay niyo sa akin. Tss mga kabataan talaga, palagi niyo pinapairal ang inyong kuriosidad. Kaya palagi kaya nalalagay sa alanganin eh." Sabi ng matanda

"Po? Alam niyo po ang pakay namin? P-paano po?" Tanong ni mikko.

Oo nga, paano nalaman ni lola ang pakay namin sa kanya. Dont tell me fortune teller si Lola. Well sabagay pwede, dahil sa mga kagamitan niya dito sa kubo.

"Hindi na importante kung paano ko nalaman. Pero may sasabihin ako sa inyo. Umalis na kayo dito sa isla kung ayaw niyo mapahamak. "

Ha? Pahamak? Paano kami mapapahamak?

"Lalo na ikaw iha."

"A-ako po? Bakit po ako mapapahamak? Tsaka alam niyo po ba kung sino ako? Kasi po, nakita ko kayo dun kanina sa pwesto namin na nakatingin sa akin. Bakit po?"

Tinitigan ako ni lola, at dahil dun bigla ako nahiya. B-bakit ganito makatingin sa akin si lola? May dumi ba ako sa mukha?

"Hindi kita kilala pero alam ko ang nararamdaman mo. At nakikita ko ang mangyayari kapag patuloy mo iyan mararamdaman. Lalakas iyon, at possible kayo mapahamak lahat, kaya naman umalis na kayo dito." Sambit ni lola

"Teka! Teka muna lola, hindi po namin kayo maintindihan. Bakit ganito kayo ka pursigido na umalis kami sa isla?" Sabi ni matrix

"Atsaka lola, gusto din namin tanungin kung bakit may dugo dun sa pwesto niyo? Kayo po ba ang may gawa nun?" Sabi ko. Sinubukan ko talaga etago ang kaba sa boses ko, dahil sa aura na dala ni lola. May kakaiba kasi sa aura niya eh.

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Onde as histórias ganham vida. Descobre agora