TPD:Chapter 49

1K 67 43
                                    

Kung kailan malapit na ang season finale nito, tsaka pa ako nagmemental block. My gheed! Anyways, kamusta na kayo? Hehehe

Enjoy reading!

Sir Sev POv..
Kasalukuyan ako ngumunguya ng Ginger Candy ng biglang may kumatok.

Oh she is here... nice.

"Pasok" sabi ko

At nang bumukas ang pinto napangiti ako.

"Sir Sev, pinatawag mo daw ako?"

"Ah yes Cleo, may favor lang sana ako sayo eh. If you dont mind." Sabi ko tsaka ngumiti sa kanya.

"Sure po, ano po ba iyon?"

"Hmm.. pwede ba tulungan mo ako echeck ang mga testpapers na eto? Masyado kasi madami eh." Ngumiti ako at napakamot sa batok.

"Walang problema po." Sabi niya tsaka agad na lumapit sa akin at kinuha ang mga testpapers.

"Ah dito ka na lang sa desk mag check ng mga testpapers , para di ka mahirapan. " agad din tumango si Cleo at hinila ang isang bakanteng upuan.

Nagsimula na mag check si Cleo, habang ganun din ang ginawa ko. Dumaan ang isang oras at tahimik kami nagchecheck ng biglang may nag text sa akin.

Binasa ko iyon, at napangiti sa mensahe. Galing kasi iyon kay Jean ang sekretarya ni Clau.

Jean
-Sir nakauwi na po lahat ng estudyante. Vacant na po ang school.

Perfect! Masasagawa ko na ang plano ko, mahuhuli ko na din sa wakas ang bitchesang mistress na to.

Naku! Kay tagal ko na gustong mahuli ang mistress na to, at ang ilap ilap niya hanapin. Kagaya noon pinahirapan niya din kami, dahil hindi mo agad matutukoy kung sino ang nabiktima niya.

Magaling kasi eto magtago sa mga nabiktima niyang babae, kaya hindi mi aakalain na nandun siya. Kagaya nito ngayon kay Cleo, mukhang normal lang naman siya sa akin, kabaliktaran sa sinabi ni Patrick kanina na nakita niya nababaliw eto. Kung hindi ko lang nakasalamuha si Mistress hindi ako maniniwala kay Patrick.

But I know better, lalo na at ngayon ko lang napansin na may common pala mark si cleo sa mga nabiktima ni Mistress.. at iyon ay ang pagiging short hair.

Oo, lahat na biktima ni Mistress na babae ay short hair. Kung bakit? Eh kasi kasali iyon sa ritual, kailangan kasi nila putulin ang buhok nila para gawin alay kay mistress. Weird dba?

At di porket isa yun sa trademark na short hair ang biktima ni mistress eh naging rason para mapadali ang trabaho, sa paghahanap sa kanya. Well hindi, why? Because hindi pwedeng mag assume ka agad na lahat ng short hair ay biktima na ni Mistress.

Naalala ko pa noon hinuhuli namin si Mistress lahat ng babae naka short hair, dahil el nino kaya naiinitan sila at nagpagupit. Kaya ayun, mas lalo naging mahirap matukoy kung saan nagtatago si Mistress..

Tapos ngayon naman uso ang short hair, lahat din ng mga babae gusto magpagupit, kesyo broken hearted daw or in style. Tss.. pambihira, ang galing tumyming lagi ni mistress eh no?

"Sir sev, ok ka lang? Bakit ka nakatitig sa akin ng ganyan?" Naputol ang pagiisip ko ng biglang nagsalita si Cleo

Napatawa na lang ako para hindi niya mahalata na pinaghihinalaan ko na siya..

"Sorry, heheh may iniisip lang. Niya pala hindi ka ba nagugutom?"

"Hindi pa naman sir sev."

"Ganun ba. Pero ako kasi nagugutom eh, you dont mind if I eat right?"

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Where stories live. Discover now