TPD: chapter Twenty-four

1.7K 91 21
                                    

Here it is chapter 24. And thank you to all the readers na nakaabot sa chapter na eto. ^^

And Oh! May inedit ako dun sa chapter 20. May iniba lang na details. Kung gusto niyo pwede niyo iyon basahin hehehe

Enjoy Reading!

Patrick POV

"So mga girls maupo muna kayo dyan, habang kami naman mga lalaki ay magsisimula ng paapuyin yung mga kahoy at ehahanda na ang mga inihaw. " Sabi ni sir sev

"Oi Mikko and Matrix, halina kayo dito, tumulong kayo sa amin. Ang dadaya niyong dalawa, ang tagal niyo bumalik. Aminin niyo tinatamad lang kayo tumulong no?" Sabi ko tsaka inakbayan sina Mikko at Matrix.

"Hindi no! Ginawa mo pa kaming tamad, parang ikaw ata yan patrick." Sabi ni mikko

Tumawa na lang ako sa kanilang sinabi atsaka kinuha ang gas at ibinigay sa kanila.

"Since wala kayo kanina, kayo ang magbuhos niyan sa mga kahoy." Sabi ko

"Kita mo na, tamad talaga. Haay naku insan" sabi ni matrix

"Oi di ako tamad ah. Hehehe tutulungan ko lang dun sina Sir Sev at Nyle sa pagiihaw."

"Wheee..baka tutulong sa pagtikim. Haay naku Patrick, kilala ka na namin. Baka mamaya niyan wala na tayong kakainin."

"Hahaha ano ba kayo, tutulong nga ako dun. Pero babalik din pagkatapos. Ok? " Sabi ko. Hindi ko na sila hinintay na magsalita ay agad na pinuntahan sina Nyle na nagiihaw ng baboy.

Mmmmm..ang bango, naku ginugutom nako. May naluto na kaya? Inilibot ko ang aking mga mata at nakita na meron na tapos naluto. Nagningning ang aking mga mata habang papalapit sa inihaw na baboy.

Pero bago ko pa naman iyon nalapitan.

Pak!

"Aray naman sir sev!" Sabi ko kay sir sev na biglang pinalo ang kamay ko. Hindi ko kasi nakita na nasa likuran ko na siya.

"Oi patrick, bakit nandito ka? Hindi mo ba tinulungan sila Matrix at Mikko dun? "

"Ehh kaya na nila iyon. Hehe alam ko naman na mas kailangan niyo ako dito."

"Hindi no. Ok na kami dito. Kaya naman bumalik ka na kina Matrix at tumulong dun. Sige na, balik ka na dun. Mamaya ka na lang kumain."

"Pero sir sev-"

"Pili ka, babalik ka dun or hindi kita papakainin nito." Putol ni sir sev

"Sabi ko nga po, babalik na. Heheh byee" sabi ko at agad na bumalik kina Matrix at mikko .

Pareho sila nakatalikod kaya balak ko sana gulatin ang dalawa. Mukhang may pinaguusapan ang dalawa eh kaya hindi nila namalayan na nasa likod ako.

"Tama ba ang hindi pagsabi sa kanila Matrix? Baka naman mapahamak tayo." Sabi ni mikko

Huh? Pahamak? Anong sinasabi ni Mikko?

"Mikko, yun din ang nasa isip ko eh. Pero nakita mo naman, nakahanda na ang lahat. Sayang naman kung bigla natin sasabihin sa kanila na wag etuloy, baka mag panic sila sa sasabihin natin na dahilan. At medyo may tama din si Gabriella, may possibility din naman na walang mangyayari, so if we do cancel this, all their effort will be at waste. Lets just hope walang mangyayari talaga. "

"Sana nga walang mangyayari. I just hope that what Lola Areya said isnt true. Pero what if totoo, anong gagawin natin Matrix? "

Teka teka! Ano ba ang tinutukoy ng dalawang to? Masyado na ako naguguluhan ha. May nangyari ba habang nawala sila? Sino si lola areya?

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon