TPD: chapter 12

2K 108 37
                                    

Anyeong sa mga nagbabasa nito. Meron ba?

Enjoy reading!

Matrix POv
BLAG!

Magkahalong gulat at tuwa ang naramdaman ko ngayon. Kung bakit gulat at tuwa, eh dahil sa pagsira ng pinto ay siya din paghawak ni Gabby sa akin kamay.

Haay naku Matrix Vargas! ^____^

Para akong baliw ngayon dahil sa lawak ng aking ngiti. Mabuti na lang at madilim dahil hindi niya makikita ang aking reaksyon.

Pero panandalian lang pala yun dahil agad niya naman binawi.

-_____-

"A-ah sorry, nagulat lang." Sabi niya pa

"Ehem. Ok lang. Kung gusto mo hawakan mo lang eh kung natatakot ka." Ani ko

"Uhh h-hindi. Ok lang ako. Hindi ako natatakot." Sabi ni gabby

Hindi daw. Tss

"T-tara puntahan-"

"Teka muna gab, baka gusto mo suotin natin muna ang night vision glasses ni sir sev? Dahil wala akong makita.Wag mong sabihin nakakita ka na ngayon sa dilim?" Ani ko

"A-ah syempre hindi. Tsk wag ka na ngang salita ng salita dahil baka mamaya may makarinig sa iyo. Tss alam mo naman ang sitwasyon dba?" Sabi niya

Grabe talaga ang babaeng tu. Ang sungit sungit. Ako na nga tung nag suggest ako pa ang pinagalitan.

Hindi na lang ako nagsalita at sinuot ang glasses. Pagkatapos nun nakita ko na bago pa lang iyo  sinuot ni gab at nang tumingin siya sa akin.

"Leche!" Sambit niya

Wahahahahah . Nakakatawa talaga ang mga reaksyon ni gab. Hahaha natatawa ako. Kasi naman ng tumingin siya sa akin naka ready na ang kamay ko na nagfoform ng hugis puso. Kaya ayun nasabi niya iyon.

Haay naku! Ewan ko na lang din sa iyo Matrix Vargas, halatang baliw ka din eh no. Nagagawa mo pa siya pagtripan kahit nasa nakakatakot kayo na sitwasyon.

"Halika ka na nga, puntahan natin sila dun sa kwarto na pinaghintayin natin kanina." Sabi niya tsaka lumakad na umuna sa akin.

Sumunod lang din ako sa kanya. At nang marating namin ang kwarto.

Wala ng tao dun.

"Nasaan na kaya sila?" Tanong ni gab sa akin.

"Hmm...baka nandito lang din sa bahay. Nagtatago?" Ani ko

Bigla kinuha ni gab ang kanyang cellphone pero..

"Walang signal! Takte!" Sambit niya

"Teka tingnan ko ang akin phone Tutal magkaiba tayo ng sim."

"Sige sige." Sabi niya

Tiningnan ko ang cellphone ko din at.. Wala din signal.-___-

"Tss wala din." Sabi ni gab ng makita niya na wala din akong signal.

Tss.. Grabe nawala agad yung signal eh parang kanina lang meron.

"Anong nangyari nung nawala tayo? P-possible kaya may masama nangyari?" Sabi ni gab na may pag alala sa boses.

"Wag tayong mag isip ng ganyan. Siguro ok lang sila. Alam mo naman ang katangian ng mga kaibigan mo hindi din sila magpapatalo agad. At alam ko din ganun sila mikko. So lets be positive." Sabi ko

Teenage Paranormal Detectives{Season1 COMPLETE}Where stories live. Discover now