Revenge 1

2K 36 0
                                    

Chapter 2


Yeniesh’s POV


“Now explain why on earth you we’re kissing that guy in front of everyone?!” galit niyang singhal sakin.

“Yohan, ang aga-aga mo namang mahigh blood. Please let me rest just for now.” Tamad kong sagot sa kanya habang hinihilot ang kumikirot kong ulo. Pesteng hang over to.

“High blood?! Sinong hindi maha-high blood sa pinaggagawa mo ha?!”

Hindi ko siya pinansin. Umalis ako sa harapan niya at dumiretso ng kusina. I saw the two other guys in my house. Magkaharap sila at kapwa hawak ang kwelyo ng isa’t isa.

“Ang angas mo ah. Baka gusto mong mapalayas dito!”

“Baka ikaw ang mapalayas. Baka nakakalimutan mong bahay ko rin ito!”

“Hindi pa kita tapos kausapin Yeniesh! Wag mo akong tatalikuran!”

Binuksan ko ang ref at nilaklak ang tubig na nandoon. Gusto ko ng kape at mainit na sabaw. Talagang ang sakit ng ulo ko. Peste kasing alak yun, hindi ko alam na ang lakas pala ng tama.

“Bitawan mo akong gago ka!”

“Wag kang sumigaw ang baho ng hininga mo!”

“Mas mabaho hininga mo! Gago!”

“Mas gago ka!”

“Yeniesh! Nakikinig ka ba?!”

“ALL OF YOU! SHUT UP!”

Halos mapunit ang litid ko sa leeg dahil sa lakas ng sigaw ko. Nawala ang nakakarinding ingay at napalitan ng katahimikan.

“Ayan! Tatahimik rin pala kayo! Hinintay niyo pang sigawan ko kayo, mga peste! Masakit ang ulo ko kaya wag niyong sabayan ng kakasigaw niyo ha! Tangina!”

Pabagsak kong nilapag ang hawak na pitsel sa mesa. Muntik pa itong tumilapon kung hindi lang naging maagap si Yohan at sinalo ito.

“Boss sorry sa kakasigaw pero itong gago kasing ito kanina pa ayaw makinig saki-----!”

“Excuse me you dumbass. You don’t have the right to silence me because I own this house!”

“Excuse me ka rin! Hindi lang ikaw ang may-ari ng bahay na ito! Kay Boss rin to kaya may karapatan akong palayasin ka dahil Boss ko siya!”

“Aba’t---!”

“Tama na pwede?! Kung mag-aaway kayo, dun sa labas! Hindi dito na nakikita ko yang mga pagmumukha mo!”

“Tss!” sabay nilang singhal sa isat’ isa. Binalingan ko naman si Yohan na nanatiling masama ang tingin sakin.

“At ikaw naman! Kung inaalala mo ang nakita mong pakikipaglaplapan ko dun sa gwapong foreigner eh problema mo na yan! Hindi ka pa nasanay!”

Hinila ko ang upuan sa harapan ko at padabog na umupo dito. Agad kong tinira ang pagkain sa harapan. Maya-maya rin ay nagsiupuan na sila at tahimik na kumain. Ilang minuto ang nagdaan at ako rin ang unang nagsalita.

“Vino.”

“Hmmm…” sagot nito habang kumakain.

“Kamusta ang lolo mo?”


Eagle Claws ( Book 2 Of Silver Claws ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now