Revenge 23

1K 25 1
                                    

Chapter 23

Yeniesh's POV

Kung minamalas ka nga naman! Ang late ko na ngang nagising naflatan pa yung kotse ko! Ang layo ko pa naman sa school.

"Bwisit!" Malakas kong sinipa ang flat na gulong. Mabuti nalang senseless na ako kaya walang effect yung pagsipa ko. Char.

Bwisit talaga. Kung bakit kasi walang pakialam yung mga tao sa bahay at hindi pa ako ginising!

Yohan's room is just right next from mine! Vino is also staying in the mansion at maging si Ryan ay doon na rin natulog tapos ni isa sa kanila ay walang gumising sakin?! Come on! They're asking for their deaths!

"So ano nang gagawin ko sayo?" Kausap ko sa kotse as if sasagot ito. I checked my wrist watch and I'm already five minutes late. Damn it!

Maglakad nalang kaya ako? Or magtaxi? Or call someone? Or umuwi?

*Beeeep! Beeeep!

Isang magarang sasakyan ang huminto sa harapan ko at muntik pa akong mapaubo dahil sa dalang alikabok. Simentado naman ang kalsada pero bakit may alikabok?

"Hey."

Kunot noo kong hinarap ang driver ng pesteng kotse. And my mood suddenly changed.

"Third!"

Nakaramdam ako ng ginhawa at konting excitement. Ang gandang pambungad.

Bumaba siya sa kotse and guess what he did? Napanganga nalang ako habang tulala sa kanya.

Did he just ignore me?

Inuna pa niya yung flat na gulong kesa batiin ako?! O kahit bigyan manlang ako ng morning kiss or hug?! Ok, that's definitely not right pero seryoso? Yung gulong talaga yung inuna? Hindi manlang ako kinamusta?

"We need to fix your tire."

Nilingon niya ako at hindi ko itinago ang pagkabusangot ng aking mukha. Binabawi ko na na maganda siyang pambungad. Ang panget pala. Napakapanget. Tss.

"You ok?"

"OK?! OFCOURSE I'M OK!"

"You don't look ok but do you have any tools? Pwede kitang tulungang ayusin to."

Gusto ko siyang sapakin at ipalit ang pagmumukha niya dyan sa gulong. Pero hindi na ako nagreklamo at kinuha nalang ang tools na kailangan niya.

Nasa tabi kami ng kalsada kaya wala namang problema kung may dadaan na ibang kotse. Third is wearing a black shirt and black pants kaya walang problema kung madumihan man ang suot niya. Habang abala siya sa pagkukulikot sa gulong ay inabala ko naman ang sarili sa pagtitig sa kanya.

I kinda missed him. No. I missed him so much. Hindi kami nakapag-usap this pass few days dahil naging abala ako sa mga kailangan ni Yohan about sa Mafia, while I took an investigation about this guy's activity at nalaman kong marami rin ang iniuutos sa kanila ng empire kaya hindi naman ako nagtataka kung bakit hindi niya ako napuntahan ulit. Hindi naman ako stalker, inalam ko lang kung anong ginagawa ng ugok na ito.

Nawala na ang inis ko sa kanya dahil inuna pa niya ang gulong ng kotse ko kesa sakin. Makita lang siya na ganito kalapit, ok na ako. Maybe ganoon kalakas ang tama ko sa tukmol na kagaya niya.

"Kanina ka pa tahimik."

Napakurap-kurap ako nang makita na nasa harapan ko na siya at nakataas ang isang kilay. Napapansin ko ang paminsan-minsan kong pagkatulala. Ipekto ba to ng elixir? Or nababangag na ako?

Eagle Claws ( Book 2 Of Silver Claws ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now