Revenge 5

1.6K 28 7
                                    

Chapter 5




Standing in front of this door reminds me of my life as a Guardian two years ago. Those moments were very precious to me at that time pero ngayon, hindi ko alam kung pahahalagahan ko pa ba ang mga sandaling nanatili ako sa loob ng Guardian’s Den.




“Boss, bakit mo nga pala ako sinama dito? Diba bawal naman ang mga lalaki dito?”




“FYI lang Ryan, ikaw ang sumama sakin dito.”




“Huh? Ako ba?”




Inirapan ko siya. Bakit ba kasi sumama pa ito sakin, maninira lang toh ng araw ehh. I decided to knock the Guardian Den’s door. Ilang beses ko itong kinatok pero mukhang walang tao.




“Wala yatang tao boss eh.”




Napabuntong hininga ako bago nagpasyang umalis nalang. Sumunod naman agad sakin si Ryan at sumabay sakin sa paglalakad.




“So now what?”




“Huh?” naguguluhan akong lumingon sa kanya.




“I heard that you took your first step. That Red guy, sa kanya ka unang lumapit. Bakit hindi nalang doon sa Rios? Total sa kanya naman nagsimula ang----”




“Lower your voice Ryan, baka may makarinig sayo. Look at the hallways, there are cameras everywhere. Hindi natin alam kung may nakamasid sa bawat galaw natin ngayon. This is the enemy’s territory after all. We have to limit our movements at baka makahalata sila.” Paalala ko sa kanya habang naglalakad kami sa hallways ng Organization Building. Thinking that we can’t move on the way we want makes my blood boiled. Kahit saan kasing bahagi ng campus ay may makikita kang mga camera, there might also be hidden cameras. Mahihirapan akong gumalaw lalo na kung may mga matang nakamasid.




I told Yohan to atleast enter their system pero ang sabi niya, mahihirapan siyang gawin iyon dahil may possibilities na mahalata nilang may gustong pumasok sa system ng campus so we don’t have a choice but to wait.




Putang ina lang dahil wala akong magawa kundi ang manatiling tahimik at kalkulado ang mga galaw. Ang paglapit ko palang kay Red ay maaari na nilang makuhaan ng suspetya na mayroon akong pinaplano.




“But don’t you think they will suspect that you have hidden agenda? You don’t have any reason to come back here after what they have done to you.”




“I need to take the risk Ryan. Hindi ko makukuha ang gusto ko kung mananatili lang akong nakatago. Marami pa akong gustong gawin bukod sa makita silang nahihirapan. My parents are still missing. At alam kong sila ang may hawak sa kanila. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nakikita ang mga magulang ko.”




Hindi na kami nag-usap at nanatili nalang na tahimik na naglalakad. Nahinto kami malapit sa cafeteria nang makitang may nangyayaring kaguluhan.




“Tara tingnan natin boss!”
Hinayaan kong kaladkarin ako ni Ryan papunta sa cafeteria. There, we saw some students na nagsasapakan.




“Hoy! Tumigil na kayo!”




Napansin ko ang isang babaeng sa tingin ko ay magkasing edad kami pero mas matangkad ako sa kanya. Sinusubukan niyang pumagitna sa away pero natutulak lang siya dahil sa maliit siya. Kung titingnan kasi ay mukha sing bata kapang lumapit doon sa mga lalaking mukhang nakalaklak ng cherifer. Ang tatangkad kasi.




Eagle Claws ( Book 2 Of Silver Claws ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now