Revenge 10

1.7K 36 18
                                    

Chapter 10

Yeniesh’s POV

Tatlong araw na akong walang tulog dahil sa kakaisip sa nangyayari sa buhay ko. This past few days, napansin ko na hindi ako pinapansin ni Yohan. Sa tuwing sinusubukan kong lumapit sa kanya, agad naman siyang umiiwas. Hindi ko naman alam kung anong nagawa kong atraso sa kanya para tratuhin niya akong parang hindi kilala. Minsan rin naiisip kong dagukan siya sabay sabing, ‘Hoy! Kilala mo pa ba akong gago ka?! Kapatid mo to kung nakakalimutan mo lang!’

Hindi ko alam kung kailan siya natutong maging matampuhin. Kasi kung talagang nagtatampo siya, promise! Hindi bagay sa kanya. Mamaya talaga kukumprontahin ko na siya. Hindi ko matiis na parang hangin niya ako kung tratuhin eh. Makakatikim talaga siya sakin!

“Boss!”

“Ano?!” kunot ang noo na binalingan ko si Ryan.

“Grabe ka naman! Ang init agad ng ulo mo ah! Inaano ba kita?!” padabog siyang umupo sa tabi ko. Anyway, nasa field kami ngayon dahil kakatapos lang ng klase. Nakaupo ako sa isang bench sa lilim ng puno. Here from where we are seated, we can see the vast area of the school field.

“Bakit mag-isa ka? Nasaan si Vino at yung peste kong kapatid?”

“Ewan ko sa dalawang yun! Feeling ko may tinatago sila sakin eh. Ayaw nila ako isama sa mga lakad nila! Napapainsin ko rin na lagi silang pasikretong nag-uusap!”

Pansin ko ang inis sa mukha niya. Nagawa pa niyang  bumuga ng hangin dahil sa sobrang inis na nararamdaman.

“What do you mean by that?” tanong ko. Napakamot naman siya sa ulo bago sumagot.

“Kagabi, narinig kong pinag-uusapan ka nila.”

“Anong narinig mo!” marahas ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat at hinarap sakin.

“Ano ba boss! Ang haras mo na talaga sakin ah!”

“Tss. Stop blabbing nonsense, just answer me. Anong narinig mong pinag-usapan nila tungkol sakin?”

“Yun na nga, hindi ko nga narinig! Nahuli nila akong nakikinig sa kanila and they immediately shift their moods. Tinanong ko naman sila kung anong pinag-uusapan nila pero wala silang sinabi sakin tungkol sa narinig ko. All I heard is your name and… and… and… Shit! Nakalimutan ko yung isa!”

*Pakkkk!...

Sinapak ko siya. Walang kwenta! Makikinig na ngalang hindi pa ginalingan! Kung baga sa quiz, mangungopya na nga, malili pa!

“Nakakailan ka na boss ah! Napipikon na ako!”

“Ako talaga napipikon na sayo Ryan! Kahit kailan palpak yang mga pakulo ko! Bakit kung ano yung importante yun pa yung kakalimutan mong damuho ka!”

“Ehh sa nakalimutan ko nga eh!”

Tangina, dagdag perwisyo talaga to sakin ehh. Bakit ba lahat ng lalaki sa buhay ko mga peste? May kapatid nga ako wala namang pakialam sakin. May fiancé nga ako pero mukhang kumampi na run sa kapatid ko at may pasikre-sikreto pang nalalaman. At itong isang ito, ewan ko ba kung anong kamalasan ang meron ako para bigyan ng mga walang kwentang nilalang sa mundo.

“Pero boss, mukha talagang may secret yung dalawa na ayaw ipaalam satin eh. Napansin ko rin na hindi kayo nagpapansinan ni Yohan. Ano bang nangyari?” curious niyang tanong sabay lapit sakin.

Eagle Claws ( Book 2 Of Silver Claws ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now