Revenge 39

559 17 1
                                    

Revenge 39

Yeniesh's POV

"Ohh? Bakit tulala ka dyan?" Biglang sumulpot sa tabi ko si Ryan kaya nahuli niya akong tulala sa kawalan. Tumabi siya sakin sa bench dito sa garden namin.

"Anong kailangan mo?"

"Kapag ba tinabihan kita may kailangan na agad? Di ba pwedeng gusto ko lang maupo?"

"Tss."

Inirapan ko nalang siya at bumalik sa pagkakatulala. Sariwa pa sa isipan ko ang nangyari kahapon. A part of my lost memories got back at hindi ko iyon ikinatutuwa.

Hindi ko rin nagawang sabihin kay Yohan ang nangyari dahil hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. Malaki ang pasasalamat ko at hindi nila napansin ang natamo kong galos sa noo kaya hindi na sila nag-usisa.

Pasimple kong sinipat ang galos at naramdaman ko ulit ang kirot. Isa pa ito sa bumabagabag sakin. My sense is back and so far wala akong nararamdamang kakaiba maliban sa kirot sa noo. Pinakiramdaman ko ang sarili kung pati sakit ko sa puso ay bumalik pero wala naman akong nararamdamang kakaiba.

"Nga pala Ryan, gusto kong samahan mo ako mamaya sa hospital lab."

"Huh? Ano namang gagawin natin dun? May sakit ka ba kaya tayo pupunta sa lab?" Nagtataka niyang tanong.

"Wala akong sakit. May gusto lang akong itanong sa doctor na gumawa ng elixir. I need to verify something from him." Tumango naman siya.

"Ayy! May naalala ako! Hindi ba at birthday bukas ni Master?!"

Gulat akong lumingon sa kanya. Birthday ni Yohan bukas?! Shit! I almost forgot!

"Muntik ko nang makalimutan kung hindi mo pa sinabi!" Nakangiti kong sabi kay Ryan.

"Mukhang hindi nga naaalala ng iba eh. Anong plano bukas boss? Magpapaparty ba tayo?"

Napaisip ako. Hindi naman masama kung ise-celebrate namin bukas ang birthday ni Yohan. Wala naman kaming gagawin at hindi na rin masama kung mag-eenjoy kami kahit konte.

"I'll take care about that. Just don't tell them about my plan. Ikaw ang kasabwat ko dito."

"Oo naman boss! Ako pa! So saan ang handaan? Sa magarbong hotel ba? Mag-a-out of town ba tayo? Or di kaya out of the country?" Excited niyang tanong. He even hold my both arms at walang habas akong inalog.

*pakk!

"Wag ka ngang OA dyan! Hindi pa ako nakakaisip no! Tyaka gusto ko yung simple lang, yung tayo lang ang magse-celebrate kasama siya. Tyaka alam ko namang hindi siya papayag na magkaroon ng magarbong celebration. You know my brother, he's an old school kind of a guy."

Kapwa kami natawa. Talagang walang hilig sa kasiyahan ang lokong yun, puro trabaho at ang inaatupag. Ni hindi ko nga yun nakitang pumunta ng club para magparty. Pupunta lang siya sa mga ganoong lugar kapag may mission or anything related sa organization.

Wait, if tomorrow's Yohan's birthday, then bukas din ang birthday ni Xavier.

Agad akong napailing at kagat labing napapikit. I shouldn't think about that guy. Hindi parin mawala sa isipan ko ang mga nangyari kaya hindi ko rin magawang bigyan siya ng pansin.

But he's still my brother.

Brother? Oo nga at kapatid ko siya pero hindi ibig sabihin non ay madali ko na siyang mapapatawad. Walang kapatawaran ang ginawa niya samin noon. He's the reason why we've got in these situations. Kung hindi dahil sa kanya, edi sana magkasama kami ngayon ng mga totoo kong magulang. Edi sana hindi ganito ang mga nararamdaman ko. Hindi sana ako nasasaktan----.

Eagle Claws ( Book 2 Of Silver Claws ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now