Revenge 42

528 15 0
                                    

Chapter 42

Yeniesh's POV

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na tulala sa lapag. Nakaramdam nalang ako ng pananakit ng katawan dahil sa hindi ko paggalaw.

The door suddenly opened and I saw Tita's face. At sa aming dalawa, siya ang nagulat ng makita ang kalagayan ko.

"What happned to you.?"

"Nag-aalala ka ba sakin Tita?"

Saglit siyang natulala pero natawa rin ng malakas.

"I don't care about you. Nakakalimutan mo yatang gusto kitang patayin? But I'm curious my dear niece. What's with the blood at parang hindi yata maganda ang lagay mo?"

The side of my lips twist. Tumayo ako at hindi pinahalata sa kanya ang panghihina. Nakataas naman ang kilay niyang nakatitig sakin.

"You look like a mess. Mamaya niyan mapagbintangan pa ako ng ama mo na may ginawa akong masama sayo."

"How is he?"

"Nag-aalala ka sa kanya kesa sa kalagayan mo?"

Hindi ako sumagot sa halip ay umupo ako sa kama at tinitigan siya.

"Ito ba talaga ang gusto mo?"

"What?"

"A-Ang sirain ang pamilya ko?"

Natigilan siya at mukhang tinitimbang ang isasagot.

"Malinaw ang sinabi ko sayo Shanna. Revenge is all I want."

"You're just like me."

Sumama ang tingin niya sakin pero hindi ako natinag.

"Revenge is what I also want. Masakit na talikuran ka ng nga taong mahalaga sayo. Ang lokohin ka at gamitin. Naranasan ko rin yan kaya nabalot ng galit ang puso ko na kahit ang pakinggang ang mga sasabihin nila ay hindi ko magawa."

"Why are you telling me that?"

Imbes na sumagot ay pinagpatuloy ko ang sinasabi.

"As I continue with my plans, doon ko nalaman na hindi ako masaya sa mga ginagawa ko. I thought giving them the same pain will let me breathe freely pero mas lalo lang akong nasasakal. Ako mismo ang gumagawa ng sarili kong problema na siyang dahilan kung bakit ako nasasaktan. Apology, you have to accept their apology for you to move on. It was hard at first but little did you know, gagaan ang loob mo when you finally realize that you've forgive them. Hindi sagot ang dahas para mawala ang----."

"So you're telling me to forgive them right?"

Natawa siya ng mapakla.

"Magkaiba ang nangyari satin Shanna. Oo nga at pareho tayong nasaktan because of betrayal, pero hindi rin tayo parehong basta nalang tatanggapin ang kapatawaran mula sa kanila. Hindi ganoon basta-bastang magpatawad lalo na kung alam mong ginusto nilang gawin yun sayo."

"Hindi nila iyon ginusto!"

Nanlilisik ang mga mata niyang lumapit sakin.

"Anong alam mo sa mga nangyari ha? Hindi ka pa napapanganak nang mangyari ang mga yun kaya't pano mo nasasabi na hindi nila sinadyang magtaksil sakin?! My sister is the kindest sister I know, Alex is the only thing I want in this world. Pinahalagahan ko silang dalawa dahil importante sila sakin pero ano? Halos isang taon lang akong nawala pero malalaman ko nalang na buntis na ang kapatid ko at yun ay galing sa lalaking mahal ko! Now tell me Shanna, saan doon ang hindi sinadya? Ang magtaksil at magsinungaling sakin? O ang pagkakaroon nila ng anak?"

Eagle Claws ( Book 2 Of Silver Claws ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now