Revenge 13.2

1.1K 22 1
                                    

Revenge 13.2


Continuation...


"Xavier! Help Shanna! They're going to take her!"


Instead of running towards them, Xavier took a step back. Hindi niya kaya. Natatakot siya. Those guys have guns and if ever he does something reckless, they might hurt his brother who keeps on trying to fight back. At kung susubukan man niyang lumapit, hindi pa man siguro siya tuluyang makalapit sa kanila ay mababaril siya. It will just let their position get more difficult.


He needs to go for help. But how can he leave his siblings again? Ngayong nasa panganib sila? His mind can't think of the right thing to do kaya't bago pa man mabaling sa kanya ang atensyon ng mga kalaban ay mabilis siyang tumakbo para humingi ng tulong mula sa mafia.


"Xavier! Xavier!"


He couldn't look back. Takot siyang makita ang pagmamakaawa ng kanyang kapatid. Kaya't mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo para makahingi ng tulong. Naisip niya na sana ay nagsama nalang siya ng tauhan mula sa mansion nang sa ganoon ay hindi na niya kailangang iwan ang mga kapatid.


Pain and confusion was visible in Xander's face. Hindi siya makapaniwala na nagawa silang talikuran ng kapatid sa kabila ng pagmamakaawa nito na tulungan sila.


"H-How could you----."


A sudden strike in his head made him feel dizzy and lose his consciousness but before darkness could devour him, he once again looks at Xavier's direction.


"H-How could y-you leave u-us.... Xavier."


Tagumpay na nakahingi ng tulong si Xavier sa mga tauhan ng kanyang ama. Nakahinga siya ng maluwag at hindi mapakali habang tinatakbo nila ang direksyon kung nasaan ang kanyang mga kapatid. He expects to see them there with the armed men pero halos matigil ang kanyang paghinga nang makitang wala ng tao sa park. The place is quiet and nothing was there but benches, trees and lamp posts. Walang mga lalaking armado at mas lalong wala ang mga kapatid niya.


"N-No... No..."


Napatulala siya sa mga bakas ng paa at patak ng dugo na alam niyang galing sa kanyang mga kapatid.


"Check all the nearest area! They can't go that far!" Rinig niyang utos ng isa sa mga family leader sa mga tauhan pero wala siyang lakas para bigyang pansin ang nangyayari. His attention is driven by the thought that his sister and twin brother are not around. Tanging naiwan lang ang mga patak ng dugo at piraso ng tela galing sa damit ni Shanna na itinali sa tama ng bala ni Xander.


"Young master we have-----."


"Ahhhhhhhhh!"


Walang tigil niyang pinagsusuntok ang lupa habang patuloy sa pagpatak ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.


"Young master!"


Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ng mga naroroon. Hindi siya tumigil sa kakasigaw at kakasuntok sa lupa kahit pa nagsisimula nang magsugat ang mga kamao.


"H-Hindi! Xander! Shanna! No.. No.. No... k-kasalanan ko to. Shit! Fuck! Fuck! Damn!!!"


Ilang mura ang nasabi niya pero wala siyang pakialam. Tumigil lamang siya sa pagsuntok sa lupa nang makaramdam ng pagod. Pero hindi siya tumigil sa pag-iyak. Alam niya sa sarili na kasalanan niya ang nangyari. Kung hindi lang sana siya naging mahina at natakot, then they will be there beside him.


Eagle Claws ( Book 2 Of Silver Claws ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now