Revenge 26

985 27 0
                                    

Chapter 26

Yeniesh's POV

Maaga akong pumasok dahil ngayong araw na ang araw na pinakahihintay ng lahat.

'20th Foundation Anniversary'. Yan ang nakalagay sa gate.

Pagpasok ko palang ay agad kong nakita ang mga balloons at ribbons na nakasabit sa bawat sulok ng campus. There are also flaglets and banners of each departments, clubs and other organizations.

"Good morning!" Bumungad sakin nang nakangiting si Red.

"Good morning." Bati ko rin sa kanya. Lumapit siya sakin at tinitigan rin ang mga decorations.

"The atmosphere is getting nice. Don't you think? What do you think about the decorations, maganda ba?" Nakangiti niyang tanong.

"Well, kung ako ang tatanungin ay ok naman. Parang may birthday celebration lang." Kibit balikat kong sabi. Napabusangot siya ng mukha at natawa naman ako.

"Birthday ka dyan. Porket may balloons  birthday na?"

"Hindi naman. Feel ko lang. Anyway, anong oras ba mag-uumpisa  ang program?"

We walk beside each other and we're heading to gym. Balita ko ay doon gaganapin ang program.

"Kapag dumating na ang papa ni Xavier, mag-uumpisa na agad ang program. And nakakalat na rin ang mga student councils para sabihan ang lahat na pumunta na ng gym."

Naalala kong Vice president pala ang tukmol na ito ng Student council. Kaya siguro maaga rin siyang pumasok.

Nakarating kami sa gym at halos hindi mahulugan ng karayom ito dahil sa dami ng mga estudyante. Everyone is eager to find a nice seat para makita nang malapitan ang Emperor sakaling dumating na ito.

Balita ko ay ngayon lang daw magpapakita ang Emperor dito sa campus. Ever since kasi na napatayo ang school ay hindi manlang siya tumapak dito o kahit napadaan manlang. Kaya ganoon nalang ang galak ng lahat nang malaman na siya ang panauhing pangdangal ngayong araw.

Hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat kung ano ang pagkatao ng Emperor. They all know about the Salazar Mafia and Silver Claws as being part of it. Kaya mas lalong nadagdagan ang mga taong nakakakilala sa kanila at mas lumaki ang influence nila sa school.

"Yeniesh! Dito dali!"

Nhada shouted my name to get my attention. Nasa harap sila kung saan malapit sa stage at kung saan kaharap ang pwesto mamaya ng Emperor. Mabilis kaming pumunta doon ni Red.

"Kanina ka pa namin hinihintay. We already got a seat for you!" Masigla akong hinila ni Cally at pinaupo sa gitna nila ni Shimie.

"Ladies, maiwan ko na muna kayo ha? Hahanapin ko lang sina Xavier." Paalam samin ni Red. Mabilis siyang nakaalis kaya naiwan kaming lima.

"Grabe! Hindi ko alam kung anong espesyal ang mangyayari ngayon pero excited talaga ako!" Ani Cally. Halata nga na excited siya dahil hindi siya magkandaugaga sa paglingon sa paligid.

Masyadong handa ang school at naglagay pa sila ng red carpet dito. Maging yung upuan ng Emperor ay magarbo dahil mukha talaga siyang trono ng hari.

Pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay mga men in black na nakatayo sa harapan namin. Ngayon ko lang rin napansin na maraming men in black ngayon dito sa gym. Feeling ko tuloy hindi lang ito basta program para sa foundation day ng school. It gives me different vibes.

Malakas na tambol ang umagaw sa atensyon ng lahat. Everyone is gazing towards the gym's door nang bumukas ito. Infairness may tambol pang nalalaman ha? Gara...

Eagle Claws ( Book 2 Of Silver Claws ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now