Revenge 24

1K 29 8
                                    

Chapter 24

Yeniesh’s POV

Two years ago when I’m still innocent (joke!), kinatatakutan ko ang Gang na minsan nang binantaan ang buhay ko. Pero ngayon, heto sila sa harapan ko at kung kumilos akala mo mga siraulo.

Irish gang. Hindi ko alam kung saan galing ang pangalan ng grupo nila, medyo weird pero hindi ko na iyon tinanong sa kanila.

“Akin na yung gatas!”

“Here.”

“Vince, can you chop this vegetable?”

“Ilang araw na bang nakastock itong mga gulay?”

“Yung apoy hinaan niyo!”

“Gago! Yung kawali nasaan na?!”

Tahimik ko silang pinagmamasdan habang nagkakalat sa kusina ko. Mabuti nalang at wala kami sa main house dahil kung hindi, kanina pa sila napalayas doon. Ang dumi nilang gumawa sa kusina! Hindi ko rin alam kung nagluluto ba talaga sila or naglalaro lang.

“Bakit mo dinala yang dalawang yan dito?” tanong ko kay Vino na abalang kumain ng ubas.

“Hindi ko sila dinala, kusa silang sumunod. Hindi ko naman sila mapipigilan eh.”

*Plaaaakkk!

“Gago! Plano mo bang basagin yan Ryan?!”

“Makagago ka naman sakin! ehh sa nadulas sa kamay ko eh!”

Si Ryan at Van lang ang maingay habang tahimik naman si Vince na hinihiwa yung talong. Van is acting as the head chef habang alalay naman yung dalawa.

This four guys are my Pillars pero naka-leave sila ngayon at napiling magbakasyon sa kusina ng bahay ko.

“Ano bang niluluto niyo?” sinilip ko ang kawaling nasa stove at napakunot noo ako nang makita na nagpapakulo palang ng tubig si Van.

“Magluluto kami ng chapsuy!”

“Really?” nagdududa kong tanong. Tiningnan ko ang ginagawa ni Vince at nangangalahati palang siya sa paghiwa nung talong at parang ingat na ingat siya sa pagkilos.

“Para saan yung talong?”

“Sa chapsuy nga!”

“What?! Kailan pa nagkatalong sa chapsuy?!” hindi pakapaniwala kong tanong.

“Maupo ka nalang muna mahal na Prinsesa at kami nang bahala dito. Masyado ka nang nakakaabala samin.”

Patulak akong pinalayo ni Van sa stove kaya napunta naman ako kung nasaan si Ryan at abala sa paghuhugas ng sitaw.

“Ohh? Para saan naman yang sitaw?”

“Sabi ni Van kailangan daw to sa chapsuy ehh.”

The fuck? Anong klaseng chapsuy ang lulutuin ng mga siraulong ito? I saw Van started to pour the ingredients. Hindi na ako nagtanong kung ano ang mga iyon dahil mukhang alam ko na na hindi iyon para sa chapsoy. I even saw that he put papaya in it! Hindi ako expert pagdating sa pagluluto pero never kong nalaman na may papaya ang chapsuy.

“Siguraduhin niyo lang na makakain yan! Hindi ibig sabihing pinayagan ko kayong magluto dito ay magkakalat na kayo!”

“Hayaan mo na sila. They just want to find their talent in cooking.” Komento ni Vino na abala paring kumain ng ubas.

Eagle Claws ( Book 2 Of Silver Claws ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now