Revenge 3

1.6K 35 2
                                    

Chapter 3

Mayroong nagbago sa physical appearance ko pero hindi nito mababago kung sino talaga ako. My hair might be shorter than its usual, my face might have make-up, my clothes might be feminine unlike my usual shirt and jeans, hindi parin nito nababago kung sino ako kaya alam na alam kong kilalang-kilala nila kung sino ako.

Hinayaan ko silang manahimik at hintayin kung mayroon man akong gagawin. It’s been minutes since I sat here at ni isa sa kanila ay hindi manlang nagsalita.

“Kyaaaaaaa! Nandito na sila!”

“KYAAAHHHH!”

My gaze went to the soccer field’s entrance. Walang nagbago, sikat na sikat parin ang mga tukmol. Isa-isa silang nagsipasukan ng field at sa bawat lakad nila ay siya ring pagtambol ng dibdib ko. Hindi  maaalis-alis ang tingin ko sa taong huling pumasok.

“Kyaaaahhh! Ang gwapo gwapo mo Prince Denzel!!!!”

Bored ang mukha nitong lumapit sa mga kasama niya at kung sinuswerte ay malapit lang ang pwesto nila sa kinaroroonan namin kaya’t mas lalong lumakas ang sigawan ng mga katabi ko, syempre maliban sa tatlo na nanatiling tahimik.

“Red! I love you! Kyaaaah! Galingan mo!”

“Kyaaaaaahhh!”

Red turned his gaze to those girls who shouted his name at kumaway sa kanila. Nagsiiritan naman ang mga haliparot. Hindi na ako nagulat na parang mahihimatay na ang ilan sa kanila. Pinagmasdan ko ang mukha niya, tulad noon, napakapalangiti parin niya. Lumiliwanag rin ang mukha niya kapag ngimingiti siya na parang nang-iingganyo siyang pangitiin ang iba, kaya hindi ko napansin na nakangiti rin ako. Agad kong inayos ang sarili at binaling sa iba ang atensyon.

“Kyaaaah! Go Prince Xavier! Kyaaaa!”

Xavier Salazar, ni minsan ay hindi ko siya nakitang ngumiti manlang kaya hindi na ako umasang lilingon siya sa mga babaeng sumigaw ng pangalan niya but to my surprise, hindi lang siya lumingon, kumaway pa siya dahilan para mas lalong umingay ang madla.

“When did he learn to wave to his fans?” kausap ko sa sarili na mukhang narinig ni Shimie kaya’t napalingon siya sakin at sumagot ng mahina.

“Noong nalaman niyang nasa harapan lang pala niya ang hinahanap niya.” dala ng ngay sa paligid, hindi ko ganoong narinig ang sinabi niya. I just stare at her pero siya rin ang umiwas ng tingin.

Nagsimula ang laro na wala akong ibang ginawa kundi ang manahimik at pagmasdan ang mga ugok na naglalaro. Nakaramdam ako ng kakaiba, na para bang may nakatitig sakin. Nang magawi ang tingin ko sa bench ng mga players, parang biglang tumahimik ang paligid at wala akong ibang marinig kundi ang tambol ng dibdib ko.

Those eyes never failed to make my heart beat in an abnormal way. Nawala bigla sa isipan ko na siya ang lalaking minsan nang sinaktan ang puso ko. Gusto kong bumaba at lumapit sa kanya pero hindi pinahihintulutan ng mga masasakit na alaala na gawin ko ito.

‘Never forget Yeniesh that because of that deceiving eyes, you we’re once broken and will always be broken if you will follow the small voice inside you.'

Huminga ako ng malalim at kinalma ang nagkukumahog na dibdib. Umakto akong hindi nakasalubong ang kanyang tingin, I was about to watch the game again when I felt my phone vibrated.

*Vino Calling…

“Hello?”

[“Where-----… Pupun-----.”]

Eagle Claws ( Book 2 Of Silver Claws ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now