Revenge 41

570 17 0
                                    

Chapter 41

Yeniesh's POV

"Inagaw ng ina mo sakin si Alex. Alex were suppost to be mine pero inahas siya ng sarili kong kapatid!"

"I was sick just like you Shanna. We have the same heart condition that we got from my father. Isang taon akong nagpagaling sa ibang bansa, I thought I would get a warm welcome but guess what I discovered? Nakabuntis ang boyfriend ko and to make it worst, kapatid ko pa."

"I beg and beg for him to choose me! Nagmakaawa ako para bumalik siya sakin pero mas pinili niya ang kapatid ko. He left me."

"I thought Marielle were a good twin sister but looks can be deciving. Hindi ko alam na sa likod ng maamo niyang mukha ay magagawa niyang agawin ang taong pinakaimportante sakin."

"They both betrayed me. Mga manloloko!"

Halos sabunutan ko na ang sarili ko. Hindi maalis sakin ang mga narinig ko mula kay Tita Dan. Hindi ko lubos maisip na magagawa iyon ng mga magulang ko sa kanya. Ang hirap paniwalaan lalo na at wala akong alam sa mga nangyari. I can't even remember clearly about my past kaya paano ko maiintindihan ang mga narinig ko?

Kung sakali mang totoo nga na inagaw ni Mama si Papa kay Tita Dan, then what? Anong gagawin ko? My Tita is planning to use me against them. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

I stare at my father's face. He's sleeping peacefully and all I could do is to stare at him and hold his hand.

Malaki ang pasasalamat ko dahil hinayaan ako ni Tita Dan na dito magstay sa room ni Papa. Ang sabi niya ay tinurukan lang daw si Papa ng pampatulog kaya't hanggang ngayon ay wala parin siyang malay.

"Papa? Matagal ka pa bang magigising? I... I want to talk to you. Gusto kong marinig ang panig mo. Gusto rin kitang makausap tungkol satin. Kamusta ka noong wala ako sa tabi mo? We're you sad thinking that I'm not around? Papa..... I want to go home." Napayuko ako at napapikit habang mahigpit ang hawak sa kamay niya.

"Then let's go home my Shanna."

I raised my head, and saw my father smiling. Agad namasa ang gilid ng mga mata ko.

"I never thought I could hear you call me Papa again."

Hindi ako nakagalaw at nakatunganga lang sa kanya.

"You're not going to say something? Can you... Can you call me that again? The word 'Papa'?"

Umiling ako at sinubukang pigilang maiyak pero may nakawala paring hikbi.

"P-Papa... Papa... P-Papa."

Para akong batang umiiyak at walang tigil sa pagtawag sa kanya ng 'Papa'.

Mas lalo pa akong naiyak nang maramdaman ang mainit niyang yakap.

"I miss hugging you my Princess."

"P-Papa!.... Papa.. Pa..."

"Yes I'm your Papa."

Hindi mapagsidlan ng tuwa ang puso ko. Atlast, I am hugging my father. Ang sarap sa feeling na tawagin siyang Papa na kahit halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa kakaiyak ay wala akong ibang inintindi kundi ang tawagin siya ng 'Papa'.

"Ang tagal kong hinintay ito. I thought I wont feel the warm hug of my only daughter anymore." He whispered while answering my hug.

Eagle Claws ( Book 2 Of Silver Claws ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now