Revenge 7

1.4K 26 10
                                    

Chapter 7




Ezekiel’s POV




“Look at that girl. She’s looking at you brad, mukhang type ka yata.”




Agad kong sinundan ng tingin ang tinuro ni Shawn. At tulad nga ng sabi niya, the girl standing at the frozen goods section is staring at me. Abala kaming dalawa sa pamimili ng mga groceries para sa stock doon sa SC Building. Ang malas lang at kami ang napag-utusan. This should be Denzel’s task not mine!




Pinagmasdan ko siya ng mabuti at aaminin kong maganda siya, hindi nga lang tulad nung mga babae sa bar at sa school pero ang ganda ng isang to, malapitan nga.




“Hoy gago saan ka pupunta?” pagpigil sakin ni Shawn.




“Lalapitan ko lang.” sagot ko nang hindi inaalis ang tingin doon sa babae.




“Bakit mo lalapitan eh hindi mo naman kilala. Ano? Iiwanan mo sakin tong cart ng groceries?!”




“Mabilis lang toh brad!”




Shit! She’s leaving! Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak ni Shawn at mabilis na sinundan yung babae na malapit na sa cashier’s counter. My hand grasps her hand and it made her jerk in surprise. Muntik na niyang mabitawan ang hawak na basket at mabuti nalang at naging maagap ako at nahawakan ko ito.




“I’m sorry miss.” Pinalabas ko ang mapuputi kong ngipin at ngumiti sa kanya ng napakatamis. No one can resist my smile and I bet this girl will awe in admiration of my handsomeness.




Gulat siyang napatulala sa mukha ko. Mas lalo ko tuloy nilawakan ang pagngiti ko but the next thing she did broke this handsome guy’s sweetest smile.




“Bastos!”




Hawak ang kanang pisngi, nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. What the fuck…. D-Did she j-just slap m-me? NASAMPAL AKO?!!!!!




“Bastos! Walang modo! Peste!”




“Aray! S-Shit! W-Wait lang! Sandali!”




Pinaghahampas niya ako ng mga laman ng basket niya. Ilang supot ng candy, instant noodles at hindi ko na alam yung iba.




“Fuck!”




Corn beef! Tinamaan ako ng lata ng Corn beef sa mukha!




She was about to strike me with the basket pero mabilis ko itong inagaw sa kanya. Mas masakit yun kesa sa lata ng corn beef! That basket is metal, magkakabukol ako ng malaki dun!




“Ibalik mo sakin yan!” sinubukan niyang agawin sakin yung basket pero inilayo ko ito sa kanya.




“Look miss. Bakit mo naman ako pinagbabato ng mga pinamili mo?!”




“Sagutin mo sarili mo! Bastos kang hayop ka!”




Nanggagalaiti niyang duru sakin, napaatras naman ako. Napatingin ako sa paligid at may iilang nanonood sa ginagawang pag-iskandalo ng babaeng ito. Ako ang nahihiya sa ginagawa niya. She’s shouting and hell, it’s embarrassing!




“What did I do?!”




“Hinawakan mo lang naman ang kamay ko!”




Eagle Claws ( Book 2 Of Silver Claws ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now