Revenge 11

1.2K 26 0
                                    

Chapter 11


Yeniesh’s POV


Pinanatili ko ang aking ngiti habang nakaharap sa kanila. What a wonderful day isn’t it? Isang bad news about my heart problem then this? Bakit kailangan ko pa silang makita ngayon?


“Guys! kilala niyo naman ang isa’t isa diba?” Cally asked.


“Ofcourse. We do know each other well.” I sarcastically said.


“Hmmm… Then why won’t we have a seat and-----.”


“I’m sorry but I have to decline your offer Cally. I have to go now.”


“Huh? But----.”


Agad akong tumayo para umalis nang biglang hawakan ako ni Third sa braso. Masama ko siyang tiningnan para sabihin na bitawan ako pero hindi siya nadala.


“Kakarating lang namin, aalis ka na agad?”


“I have something to do.”


“Really? Hindi mo naman kami iniiwasan kaya ka aalis hindi ba?”


I wanna scratch that irritating face of him. Pinagmumukha ba niya akong bitter sa mga pangyayari kaya niya iyon naitanong? Inosente akong napangiti sa kanya sa kabila ng inis na nararamdaman. Kung nasa ibang lugar lang kami at walang mga taong makakakita, kanina ko pa siya nahambalos.


“Bakit ko naman kayo iiwasan? I would love to stay here and talk with you. Ilang taon rin tayong hindi nagkita.”


I would love to kick your ass kamo! Ni hindi ko nga matagalang kasama itong mga tukmol na ito tapos mananatili pa ako rito para makipagchitchat sa kanila? Hell no!


“Then stay.” He said flatly.


“Come on Yen! I still want to talk you.” nakangiting dagdag ni Cally.


Should I stay here with them? Wala naman sigurong mawawala kung dito muna ako ng ilang minuto right? I’ll just seat here and endure seeing their faces. Pabuntong hininga akong bumalik saking pwesto.


“Cally! Libre mo naman kami ng coffee and cakes!” masiglang sabi ni Michael kay Cally.


“Use your own money! Ang yaman-yaman niyo tapos magpapalibre pa kayo sakin?”-Cally.


“Oo nga babaeng Sadem! Ilibre mo na kami nang kahit papaano mabawasan ang galit ko sayo!”- Zeke.


“Anong Sadem?”- Rei.


“Sawang Demonyo.”- Zeke.


“Ang sama mo talaga sakin Zeke! Mas lalong ayokong ilibre kayo!”-Cally.


“Wag ka na ngang mag-narte! Ilibre mo na kami tutal wala ka namang silbi.”-Zeke.


“I really hate that asshole, Yen. Kahit kailan hindi yan naging mabait sakin.” bulong sakin ni Cally habang masama ang tingin kay Ezekiel. Nilingon ko naman ito at nang makitang nakatingin ako sa kanya, biglang nawala ang kanyang ngisi at nag-iwas ng tingin.


“Ako nalang ang bibili.” Pagprisinta ko. Agad akong tumayo at pumunta sa counter. After this, maybe aalis na ako. Ayoko talaga silang nakikita lalo na ang pagmumukha ni Third.


“Yen.”


Napalingon ako saking likuran. Nakangiting lumapit sakin si Red. I smiled at him weakly.


Eagle Claws ( Book 2 Of Silver Claws ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now