Revenge 32

797 19 0
                                    

Chapter 32


Yeniesh's POV

Nandito ako ngayon sa hospital room ni Yohan kasama si Third at ang Pillars.


"Anong meron at kailangang pati si Third ay nandito?" Tanong ko kay Yohan na simula nang pumasok kami dito ay masama na agad ang tingin kay Third. Ito namang isa, walang pakialam sa natatanggap na masamang tingin.


"I want to talk with that bastard." Sagot ni Yohan.


"Makabastard ka naman! Eh mas masahol pa nga ugali mo sa kanya!" Inis kong sabi.


"Manahimik ka pwede?"


"Bakit ako mananahimik eh inaapi mo na ang boyfriend ko!"


"Hindi ko siya inaapi!"


"Anong hindi?! Eh ang sama na nga ng tingin mo sa kanya tinawag mo pa siyang bastard! Hatawin kaya kita ng saklay ko!" I was about to beat him pero pumagitna na ang iba.


"Boss kalma!" Ani Ryan at sinubukang ilayo sakin ang saklay.


"Umayos nga kayong dalawa. Nagmumukha kayong mga isip bata eh." Singit naman ni Vino.


Inismiran ko nalang si Yohan at nagpasyang manahimik. Wag lang talaga siyang magkakamali na awayin si Third dahil hindi ako magdadalawang isip na hampasin siya ng saklay ko!


Yohan cleared his throat.


"Denzel Third Rios, tama?"


"Yeah." Tipid na sagot ni Third.


"Anong pakay mo sa kapatid ko? Ito, tinatanong kita niyan dahil hindi lingid sakin na minsan mo na siyang niloko at sinaktan kaya ayusin mo ang sagot mo kung ayaw mong lumabas dito na bali ang buto sa binti! Nabaril lang ako at hindi nabaldado kaya kaya kitang bugbugin ngayon mismo!"


"Yohan!" Tangina talaga nito eh! Ang hilig niyang magbanta.


"Siraulo yan, matigas ang ulo, at sakit sa ulo pero kahit ganyan yan, hindi ko hahayaang masaktan siya dahil sa mga katulad mo Rios. Ilang beses ko na siyang nakitang umiyak dahil sayo. Ilang damit ko na rin ang nabasa niya dahil sa kakaiyak at ilang basket na rin ng mansanas ang naibigay ko para gumaan lang ang loob niya. And now that you're officially together, makakaasa ba ako na hindi mo siya sasaktan? Makakaasa ba ako na hindi na ulit siya uuwi ng luhaan? Makakaasa ba ako na hindi siya ulit iiyak nang dahil sayo?"


I unconsciously bit my lip as I watch Yohan. Inaamin kong hindi maganda ang pagkakadiscribe niya sakin pero naappreciate ko ang mga sinabi niya. Nakakaiyak tuloy. Hindi ko na siya hahampasin ng saklay, promise..


"Hindi ko iyan maipapangako."


Lahat kami ay natulala sa naging sagot ni Third. Tangina to ah! Anong hindi maipalangako?! Loko-loko ba siya?! Siya nalang kaya ang hatawin ko ng saklay?!


"Hindi ko maipapangako na hindi na siya masasaktan dahil sakin. Hindi ko maipapangako na hindi na siya ulit iiyak nang dahil sakin. Hindi ko maipapangako na magiging masaya siya sa tabi ko. Pero isa lang ang maipapangako ko sayo Yohan...." muntik nang lumukso ang puso ko nang tumitig siya diretso sa mga mata ko. I felt the warmth coming from his hand when me took mine and kissed the back of it.


"I promise to protect her. I promise to do anything-- everything just for her safety. I would catch the bullet for her, block the knife for her and drink the poison just to make sure she's safe."


Eagle Claws ( Book 2 Of Silver Claws ) COMPLETEDOnde as histórias ganham vida. Descobre agora