Revenge 37

1.1K 38 43
                                    

Chapter 37

Yeniesh's POV

"Wala ka bang planong pumasok ngayon?"

Walang buhay akong lumingon kay Vino nang makita siyang pumasok sa kwarto ko.

"Wala akong lakas para pumasok."

"Is it because of what happened yesterday?"

Umupo siya sa gilid ng kama. Nakaayos na siya at halatang ready nang pumasok sa school habang ako naman ay nakatunganga lang dito sa kama at walang kaayos-ayos, ni buhok ko nga eh hindi ko nagawang suklayin. At kahit hindi ako tumingin sa salamin ay alam kong namamaga ang ilalim ng mga mata ko dala ng kakaiyak kagabi.

"Ayokong harapin siya na ganito ang kalagayan Vino. Ako ang nakipaghiwalay pero mukhang ako pa ang iniwan. I look horrible... and wasted."

And I don't think I can manage to see him. Ni wala na akong mukhang maihaharap sa kanya at sa iba pa. Ipinamukha ko na sa kanya na hindi ko siya mahal, sapat na yun para gawin ang gusto ni Cally. Now that I'm finally out of Third's life then I can now live my own life without worrying of everyone's safety.

"But you can't stay here looking like this. You still need to go to school----."

"Maybe it's really appropriate that she's staying here Vino, lalo na at hindi ko pa siya nakakausap."

Kapwa kami napalingon sa pinto ng kwarto ko nang biglang sumulpot doon si Yohan. Gaya ni Vino ay nakaayos na ito at mukhang ready na para pumasok. Nasa likuran din niya ang iba pang Pillars. They all look worried.

Blangko ang mukha niyang lumapit samin.

"Iwan mo muna kami." Utos niya kay Vino.

Walang nagawa si Vino kundi ang sundin ang gusto ni Yohan. He looked at me and smiled before he left with his fellow Pillars.

"Saglit lang akong nawala sa tabi mo tapos nagkaganito na? Ano na naman bang nangyari Yeniesh.?"

"Kung tungkol ito sa nangyari kahapon, I don't have the strength to talk Yohan. Pagod ako." I tried to sound convincing pero nakalimutan kong si Yohan pala ang kaharap ko.

Kung sa tingin nila ay matigas ang ulo ko, pwes mas matigas ang sa kanya.

Lumapit siya sa sliding door ng veranda at marahas iyong binuksan dahilan para pumasok ang matinding liwanang na siyang bumulag sakin.

"Ano ba?! Bakit mo binuksan?!" Galit kong turan.

"Para kahit papaano ay masilip naman ng liwanag yang mukha mo na talo pa ang ilang araw na hindi nakapagpaaraw! Tingnan mo nga yang sarili mo! You look like you're about to faint!"

Nang makaadjust ang mga mata ko sa liwanag ay doon ko lang nasalubong ang kanyang tingin and swear kahit hindi ko tanungin ay alam kong galit siya. Galit siya sa nangyayari.

"Ilang beses kong tinanong si Vino about sa inyo ni Denzel pero ang sabi niya ay dapat na sayo ko iyon itanong. Now tell me! Sabihin mo sakin kung bakit parang nauulit na naman ang nangyari noon?!"

Kagat labi akong nag-iwas ng tingin sa kanya at inisip kung papaanong uumpisahan.

"Nakipaghiwalay ako sa kanya."

"At bakit mo yun ginawa?!"

"Para iligtas kayong lahat! I want to save you from danger! Alam ko namang hindi tama ang ginawa ko! I choose to let go of him dahil yun ang paraang alam ko! Red were nearly died because of my decision! At muntik ka na ring mapahamak dahil nagpadala ako sa pagmamahal ko sa kanya!" Natigilan siya. Hindi ko na napigilan ang sariling sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

Eagle Claws ( Book 2 Of Silver Claws ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now