Revenge 4

1.6K 32 3
                                    

Chapter 4




[“There are securities nearby, be careful.”]




“Copy that.” Sagot ko kay Yohan nang marinig ang kanyang boses sa suot kong ear piece.




Tonight, I’m planning to enter the Salazar’s territory at aaminin kong hindi ito ganoon kadali. Tanaw ko ang mansion ng mga Salazar hindi kalayuan sa kakahuyang aking pinagtataguan. Nasa tagong lugar nakatayo ang mansion kaya mahirap itong mahanap lalo na kung hindi mo alam ang lugar.




Yohan is monitoring the surroundings, si Ryan at Vino naman ang nakaagapay sakin sa mga maaaring mangyari incase na may makakita saking nagmamasid sa paligid ng mansion.




[“Dalawang guard and nakabantay sa back gate. Can you pass them?”]




“I’ll try.”




Maingat kong binagtas ang daan papunta sa back gate ng mansion, tulad nga nang  sabi ni Yohan, may dalawang armadong lalaki ang nagpapabalik-balik doon.




“How’s the situation there Ryan?”




[“Fine boss. Wala namang kakaiba.”] sabat niya. I check my smart watch and I saw his location. He’s near the front gate. While Vino is just behind me.




[“Don’t try to cross the red line! The mansion’s alarm is activated!”]




Naalarma ako nang makita ang manipis na pulang ilaw na nasa harapan ko. One more step and I’ll be crossing the line.




“Bakit ngayon mo lang sinabing may alarm!” pabulong kong sigaw sa ear piece.




[“Ngayon lang siya naging visible sa monitor ko. The red alarm is activated every three seconds. You have that short time to cross the invisible line. Can you do it?”]




Pinagmasdan ko ang pulang ilaw at nagbilang nang tatlong sigundo bago mabilis na kumilos. Saktong dalawang hakbang ang ginawa ko nang muling bumalik ang ilaw. Kung nahuli lang ako ng isang sigundo paniguradong mahuhuli talaga ako!




“Nice move.”




“Vino?”




He stands in front of me, red line between us. He smirks and without any noise he stands beside me holding my face.




“But I did better.”




“So pinagmamayabang mo na yung ginawa mo?” sabay taas kilay ko sa kanya. Lumayo naman siya sakin at umiling.




“Nah.”




I just rolled my eyes before facing the wall behind me. Hindi ito ganoon kataas pero hindi ko rin masisigurong maaakyat namin ito.




“What’s beyond this wall Yohan?”




[“There’s a big lawn field. Three guards, 2 o’clock.”]




Pinagmasdan ko ang paligid para maghanap ng maaakyatan. Luckily I found a low branch of a tree near the wall. Agad akong lumapit doon at sinubukang umakyat nang biglang may humawak sa bewang ko at nakita ko nalang ang sariling nakaupo na sa sanga. I looked down and met Vino’s eyes.




Eagle Claws ( Book 2 Of Silver Claws ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now