Revenge 21

1.2K 24 5
                                    

Chapter 21

Yeniesh's POV

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko and I swear to God that if I see even a little bruise, this guy will be dead.

"Let go of me." May pagbabanta kong sabi pero ngumisi lang ito. Ang sarap ihambalos ng bote niyang hawak ang pagmumukha niya. Well, he looks handsome but not handsome enough for me to spear his ass after this.

May ilan na ring napapalingon samin at mukhang naiintriga kung anong nangyayari.

"Nabunggo na nga ako ng boyfriend mo, pinilipit mo pa ang braso ko! Sa tingin mo papalagpasin ko yun?!"

"Ikaw ang bumunggo sa kanya so technically, it's your fault and not ours. Sa totoo nga ay kami dapat ang magalit."

"Shut up! Malalagot kayo, lalo ka na!"

Sa higpit ng pagkakahawak niya ay talagang magkakapasa ang braso ko. Thankfully I can't feel the pain in his grip.

"I'm asking you nicely Mister, let go of me before I smack your face."

Nagtaas ito ng kilay. Dinuro-duro niya ang noo ko gamit ang isang kamay na may hawak na bote. Pigil ang inis ko na wag siyang patulan. This man is drunk at ayoko ring makaagaw ng pansin. Wag lang talagang mapipigtas ang pasensya ko dahil tagalang yari siya sakin.

"Inuutusan mo ba ako?... Ito. Nakikita mo itong bote na ito? Sige nga ihampas mo sakin."

Patulak niyang inabot sakin ang bote. This time talagang pinalilibutan na kami ng mga tao. Mukhang magkaka-audience pa kami dito. Nilingon ko si Vino. Nanatili siyang nasa lapag pero nakatitig sakin at mukhang hindi alam ang nangyayari sa palagid. This guy should be protecting me not the way around.

Binalik ko ang tingin dito sa lasing na hindi mapirmi sa pagtayo, malamang nahihilo dala ng kalasingan. Napatitig rin ako sa boteng inabot niya sakin. Does he think I can't smack him with this? Akala ba niya hindi ako nagbibiro?

"You wish for this."

And without any second thought, I smack the bottle on his head. Nawindang ang lahat nang nakakita. The guy slowly kneels while holding its head. Nabasag ang bote at kumalat sa lapag ang bubog. Ang tigas ng ulo ha...

"Wag mo akong sinusubukan. You don't know who's you're dealing with." Nakangisi ko siyang pinagmasdan na ngayon ay nawalan na ng malay. Ang bilis naman nun. Akala ko may second round pa.

Nakarinig ako ng mga bulong-bulungan; kesyo sino raw ako, bakit ko hinampas ng bote ang lalaking ito, I look cool daw, walang modo and so on. Gusto ko sana silang sagutin kaso may kasama akong lasing din na ngayon ay natulog na at nakayuko.

Akma kong lalapitan si Vino nang biglang may sumigaw.

"Kevin! Shit!"

Tatlong lalaki ang mabilis na dinaluhan ang lasing na mukhang Kevin ang pangalan. Halos manlaki ang mga mata nila habang pinagmamasdan ang kaibigan na walang malay at may mga bubog sa ulo.

"Who did this?!"

One from the guys stood at nilibot ang tingin sa paligid. Now I have company, pero ayokong magkagulo pa at mabilis na hinablot si Vino pero kung minamalas ka nga naman at may chismosong nagturo sakin.

"Ikaw! Tumigil ka!"

Gusto kong hambalusin ng bote kung sino man ang nagturo. Ngayon ay nakapalibot na samin yung tatlong lalaki at kapwa masama ang tingin sakin.

Eagle Claws ( Book 2 Of Silver Claws ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now