Kabanata 1

718K 28.3K 19.1K
                                    

Kabanata 1

Towel


"Magtatapos na lang ang school year, sakit sa ulo ka pa rin, Yohan?" si Tita nang nasa hapag na kami at kakain na ng dinner.

Ginabi kami ng uwi ni Aria dahil sa kuting. Handa naman akong napagutan iyon. Naligo muna ako at nagbihis bago bumaba sa hapag. Nag-aantay na ang kanyang pamilya sa akin kaya iritang-irita si Tita.

"Pasensiya na po. May kuting lang kasi na inalagaan."

"Pasensiya na, pasensiya na? Lagi mo 'yang sinasabi tuwing nagkakamali? Why not change and try not to do something wrong? Instead of always saying sorry?"

"Eh kasi po-"

"Kumain na tayo. Lumalaki na lalo ang labi mo kakanguso mo riyan."

Aria giggled while I bowed a bit. Uminit ang pisngi ko at napahawak sa labi. Nagpatuloy na sila sa ibang topic habang nagsisimulang mag hapunan samantalang natahimik na ako sa upuan ko. I bit my lower lip and thought of my full lips who doesn't really suit my small pale face.

Nag-usap sila tungkol sa napabayaan nilang negosyo sa Bacolod dahil lang sa pamamahala sa azucarera. Tita didn't want to assume this position. As much as possible, she wanted to be away from the Valiente name because of my father's track record.

"Hay naku! The amount of corruption Kuya Enrique has left! I can't believe it!" I heard her as their conversation progresses.

Patagal nang patagal, lalo kong naiisip ang maraming pagkakamali ni Daddy noong siya pa ang namamahala. He's given bribes and received bribes from government officials. He used his money and power to dominate and abuse labor workers. Hindi ko maipagkakaila na inaayos nga ni Tita Amanda at Tito Clavio ang pamamalakad.

They revised the abusive clause in our labor's manual and given the right pay for all the other workers. Madalas naman nilang ipinapaalam sa akin ang mga ginagawa. Lalo na ang mahahalagang desisyon pero ang iilang maliliit, hindi ko pa gaanong maintindihan.

I looked at my reflection on the glass window. Umuulan sa labas at may halong patak ang repleksiyon ko sa salamin sa harap. I kept on biting my lip thinking about Tita's remarks earlier.

Then I glanced at my mother's big picture on my wall. Her lips were full and shaped like cupids bow, just like mine, but hers were pretty to look at. Mine seems misplaced in a small pale face.

I sighed and just looked at the drops of rain on my window. Umuulan. Kumusta kaya ang kuting?

Maaga akong naligo at nagbihis para sana puntahan ang kuting kaya lang nagpahintay si Aria sa akin. It's a Friday and I know there is a intergame happening at the gym today.

Kasama si Aria sa mga cheerleaders kaya excited siyang pumasok. Kaya lang, sa pag-aayos ay natagalan tuloy hanggang sa limang minuto na lang ay seven thirty na.

"Aria," I called desperately when I watched her look at her outfit on the mirror.

Hindi ko na mabibisita ang kuting. Kung dadating kami ng seven thirty sa school, wala na akong panahon. I can afford to be late but then I don't want the attention my classmates would give me if I was.

Kaya ibinilin ko na lang sa driver ang gatas, wet cat food, at box. Kukunin ko iyon mamayang lunchbreak at mukha namang maaga kami dahil sa interschool games.

Muntikn na nga akong ma late. Kung hindi lang ako tumakbo ay baka naunahan na nga ako ng teacher. I silently sat on the corner where I was seated. Nagsimula na ang kuwentuhan ng mga kaklase tungkol sa excitement nila para mamaya.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Där berättelser lever. Upptäck nu