Kabanata 40

678K 36.1K 50.8K
                                    

This is the final chapter. This is also the last of the Azucarera Series. The next update will be the epilogue. I wrote this idea to slightly touch Alegria, a fictional place that is close to my heart. And to put into words my own sweet, light, and raw take of romance. I always believe in the power of words. So I will not elaborate on the purpose of the series, I want to put all my faith in the words that I put together since the start. Thank you very much for keeping up with me in this journey. I hope you enjoy the final chapter.

---

Kabanata 40

Kuring


Maganda ang naging gabi namin. Inasar kaming dalawa, nakakahiya pero nakakatuwa rin naman kahit paano. It reminded me so much of those memories, except that this time, we are surrounded with kind people... and the teases were fun.

Hindi na lumabas sina Margaux at Soren. The group hardly noticed them after we confessed that we are now together. At kahit na tahimik naman kaming magtatabi ni Alvaro, natutuwa pa ang lahat na ipagtulakan kami! Iyon ang dahilan kung bakit niyayakap niya ako para hindi masaktan sa pang-aasar ng mga nandoon.

Hindi tuloy ako makasakay sa tawanan nila dahil masyado kong dinidibdib ang bawat hawak ni Alvaro sa akin.

"Tigilan n'yo na ang katutulak sa akin, nasasaktan na ang girlfriend ko!" saway niya sa mga ito.

Even Aria laughed so hard and closed her eyes. Ang ibang naroon ay hindi na rin mapigilan ang ngisi at pagsasabi na kinikilig sila.

It's weird. Time really does change things, or maybe it was always this way, we were just busy with other things.

Umuwi sina Margaux at Soren. Wala rin naman kasing yumaya sa kanila na sumali sa grupo. At saktong nagkatinginan pa kami ni Margaux noong lumabas sila na nakayakap si Alvaro sa akin.

Aria, the devil, even raised her shot and declared something. It was obviously planned dahil tinaon niya sa paglabas ng dalawa.

"Dahil malapit nang magpakasal ang magjowa na si Yohan at Alvaro!"

My mouth dropped open. My face heated. Nakakahiya iyon! Ayaw ko namang pangunahan si Alvaro kaya bakit niya sasabihin iyon!

"Aria!" saway ko.

Imbes na tatayo ako para pigilan siya, humigpit lang ang yakap ni Alvaro sa akin at pinigilan niya akong gawin iyon. I glanced at Alvaro and I saw him laughing with them.

"O! Libre ko na kayo!" ani Alvaro dahilan kung bakit naghiyawan!

Mukhang tuwang tuwa pa siya sa pang-aasar ni Aria.

That was a night I could probably never forget. Hindi na rin kami nagtagal. Parang noong sa Homecoming lang din namin, umuwi na kami. Hindi naman nalasing si Aria pero tipsy siya ng kaunti.

Diniretso ni Romulo sa garahe ang sasakyan, samantalang nasa rotunda naman ako binaba ni Alvaro. Pagkababa ko, lumapit na rin siya sa akin. I can hear Aria's loud shrieks from the garage as she neared us.

"Wooh! Sila na! Uyy!"

Alvaro laughed with her. Samantalang hiyang-hiya ako. Nasisiguro kong kanina pa pulang pula ang mukha ko dahil sa pang-aasar nila.

Nag apir pa ang dalawa kaya umiling ako dahil pareho pa yatang baliw.

"Ikaw ang bahala, ah! Hindi na ako mang-iistorbo ngayon. Aasahan kita, Alvaro! Ayusin mo 'yang pinsan ko, babarilin kita!"

"Hindi mo na kailangang magbanta. Dahil ako ang babaril sa mananakit nito."

I smiled. Aria noticed it so she pinched my cheek with a loud shriek.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now