Kabanata 4

549K 26.8K 26.5K
                                    

Kabanata 4

Motorcycle


Ang mansiyon namin ay nasa dulong bahagi ng sunod na kalye ng sa kalye ng mga Alcazar. Hindi kami ang pinakamalawak ang azucarera sa buong Altagracia dahil halos kalahati ng tubuhan ay nasa kabilang bayan na. It was under my father's leadership when we really expanded. Naging kapantay ng mga Alcazar at del Real ang tubuhan namin sa Altagracia at sa buong Negros, masasabi mong kami ang may pinakamalawak.

Ang lumang bahay ng mga Santander ay nasa kanto ng kalye namin. Kapag galing eskuwela o bayan, madalas kong lingunin ang lumang bahay nila. Narinig ko noon na lumipat na sila pero hindi ko nga lang alam kung saan. Nitong nakaraan ay nakita ko naman sa labas ng bahay si Tita Ana kaya naisip kong naroon pa rin sila.

Tingin ko, mas mainam din na manatili sila sa lumang bahay na iyon dahil malapit lang sa mismong opisina ng azucarera ng mga Alcazar. Kung doon na sila nagtatrabaho, kayang kayang lakarin lang ng mag-anak.

I always think that it is not bad to visit them. Lalo na kapag malapit nga lang ang bahay nila sa amin. Kaya lang, mukhang ayaw ni Alvaro at nirerespeto ko naman iyon. Nasabi niya naman na puwedeng magkita kami o puwede ring ihatid niya rito sa mansiyon.

Kung magkikita kami, saan naman? Iniisip ko kung may cafe ba sa bayan na puwedeng pagdalhan ng pusa? O baka iyong malapit na lang sa parke ng municipal hall para malawak ang paglaruan ng kuting? I smiled, growing more and more excited each passing day.

"Aria-"

"May balita na naman ba kay Alvaro?!" dugtong niya sa tawag ko habang kumakain kami ng almusal.

I looked at her. She rolled her eyes at me and shook her head.

"Naririndi na ako, ah! Sabing wala pa, e!"

It's the second week of vacation and I can't stop myself from asking Aria about Alvaro's promise. Naiirita na siya ngayon. I only ask her every other day. Iniisip kong sa dami niyang ginagawa, baka nakakalimutan niya nang sabihin sa akin.

"Sabihan mo na lang ako kapag nagsabi si Alvaro."

She laughed. "Uy prinsesa, kung ikaw nakahilata lang buong magdamag dito, si Alvaro maraming ginagawa. Nagtatrabaho 'yong tao kaya huwag kang masyadong demanding para lang sa kuting na 'yan!"

She may be right. All day, I just watch movies, then take a nap, try to wear nice clothes in my closet, enjoy a hot bath, listen to music, and eat. Kaya madalas kong maisip si Alvaro at ang kuting. Nangungulit ako kay Aria na para bang ganoon lang din ang ginagawa ni Alvaro sa kanila. Of course, he's working. He's busy. Visiting and giving me time with the kitten comes last. I should understand.

"Hello?" si Aria na nawala na ang atensiyon sa akin ngayon dahil sa katawagan sa cellphone. "Oo. Ngayon 'yon, punta kayo rito!"

Nagpatuloy ako sa pagkain. Last week, her friends went here three times. Nagpaparty at nags-swimming. Nasa kuwarto ako at dinudungaw sila. Naririnig ko ang pagwelcome ni Tita sa mga kaibigan nila.

"What do you want for dinner? I'll order right away!"

Naghiyawan ang mga kaibigan ni Aria. Ang sarap daw lagi bumisita rito dahil hindi strict ang parents ni Aria at nang s-spoil pa. It was fun. I mean, I watched them and they had fun so I also had fun.

"Sina Soren, Chantal, Ciara, Daniel... marami pa- Wala eh. May trabaho daw."

Napasulyap si Aria sa akin habang kumakain.

"Inimbita ko rin ang mga pinsan ko kasi noong nakaraan pa sila nagsasabi na gustong pumunta. Pupunta raw si Nancy pero hindi ko pa sure kay Chayo. Kung nandito si Chayo, dadalhin noon si Levi kaya pupunta rin si Leandro at mga kaibigan nila."

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now