Kabanata 13

506K 26.9K 15.3K
                                    

Kabanata 13

Letter


Time flies when you're having fun. That quote must be really true. Madalas ang punta nina Alvaro, Daniel, Juan, Levi, at Leandro, kasama ang ilan pang kaibigan nila sa amin. Medyo natigil lang dahil umalis kami sa semestral break.

At buong christmas break naman, umuwi kami ng Bacolod. Naaroon kasi ang pamilya ni Aria kaya dinala na rin nila ako dahil hindi naman din puwedeng iwan sa Altagracia.

School was the same. I don't get bullied by my classmates anymore but the higher years were bullying me frequently. Hindi naman ako gaanong ginaganoon dati. Kung tatawanan ako, tuwing may nakakahiyang ginagawa lang. Pero ngayon, minsan iniisip ko sinasadya nila ang locker room para makausap ko.

Gusto kong tanungin si Aria pero alam ko naman na hindi ko rin siya makakausap ng matino.

Nakatingin ako sa nag gagandahang relo. Nitong nakaraan, wala akong ibang naiisip kundi ang ibibigay kong regalo kay Alvaro ngayong pasko.

Iniisip ko ang relo. Magagamit niya iyon kapag pumasok siya sa PMA.

Agad nakuha ni Aria ang iniisip ko. Kinalabit niya ang pisngi ko at sadyang idinaan ang daliri sa eyeglasses.

"Hoy, ano 'yan? Panlalaking relo? Gift mo kay Alvaro?"

I realized I am so transparent to her. Hindi pa ako nakakasagot, umismid na siya at umiling. Parang dismayadong dismayado sa akin.

"Patay na patay ka talaga sa kanya! Grabe halatang halata ka!"

"Hindi naman, Aria-"

"Hindi naman, Aria? Pero relo? At ganyan ka mahal? Ano ka?"

Yumuko ako. Tama naman siya. Kung pagbibigyan ko nga si Alvaro ng relo, halata ang pagkakagusto ko sa kanya.

"Mandidiri iyon sa'yo! Maiisip noon na patay na patay ka sa kanya. E, ang bata mo pa!"

Lalo akong yumuko. Medyo nahiya ako sa mga sinasabi ni Aria. Tama naman talaga siya.

"At isa pa, akala mo ba madadala niya iyan sa PMA? Hindi no! Kaya mag-aaksaya ka lang ng pera."

Kaya sa huli, wala akong nabili para kay Alvaro. Nakakapagsisi pa nga. The next months will be the last three months and if I don't give him anything, it's sad.

Nakabalik na kami sa school nang naisip kong bumili sa kanya ng kahit ano. Kaso, wala namang ibang occassion na paparating. At isa pa, ano naman ang madadala niya sa PMA?

My face heated when I thought of the coming valentines day. The senior highs are busy because of that. Ngayong buwan ang exam nila dahil sa susunod na buwan, magkakaroon sila ng Senior's week. Kasama na roon ang prom, valentine's day celebration na hosted nila, at iba pa. Maghahanda na rin sila sa graduation kaya nagpaalam na si Alvaro noong nakaraan na magiging abala siya.

I closed my eyes and covered my face with my palms when I thought about the valentines day.

Araw iyon ng mga puso. It would be too much and too emotional if I give Alvaro something on that day! Nakakahiya!

Kaso... palalagpasin ko ba 'to? Hindi ko alam kung kailan ko siya ulit makikita.

Would a gift be too much? The watch is too much, I think. At sabi nga ni Aria, hindi niya madadala iyon sa PMA. Ano ba ang madadala niya roon? I don't really have much knowledge about it but if he can't bring a watch, maybe he can't bring any accessory?

Ang hirap niya palang pagbigyan ng regalo kung ganoon.

Ilang upo ko pa sa kiosk bago ko naisip kung ano nga ang ibibigay sa kanya. I bought a new stationery, with cats in it. Dahil nahihiya akong bumili ng regalo at praktisado naman sa pagsusulat, ito lang ang naiisip ko.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now