Kabanata 39

634K 35K 53.8K
                                    

Kabanata 39

Hold


Masaya ang gising ko kinabukasan. Abala sa azucarera pero natapos ko rin naman agad ang lahat ng gawain.

Excited ako sa araw na iyon. Kanina bago ako umalis sa bahay, nagbilin ako na ayusin ang magiging silid ng mga pusa. Kinuwento ko na rin kay Ria ang tungkol sa mga pusa at sumaya siya. Mahilig na siya kay Garfield dati pa at nang nalaman na tatlo ang pusa na pupunta mamaya, tuwang tuwa siya.

Dahil abala sa azucarera, medyo natagalan ako papunta sa shelter. Nauna na si Alvaro doon at naabutan ko na ang pagkain ng mga staff sa dala nitong chantilly galing sa cafe. Pagpasok ko'y naabutan ko siyang nakatingin sa cellphone. He immediately stood when he saw me and my phone beeped for his message.

Alvaro:

Nasa shelter na ako. Ingat ka. Sana pala sinundo kita sa azucarera.

"Good afternoon, Yohan!" si Chantal na nakaabang din pala at nasa counter. "Sarap ng pa merienda ng manliligaw mo ngayon."

I smirked and looked at Alvaro. May hiyang ngiti sa labi niya kahit na nasisiguro kong nagpapacute lang. Kinuha niya si Garfield na nasa counter, at nagulat ako na naroon na rin si Kuring at si Cheshire.

"Pupunta ka ba mamaya?" tanong ko kay Chantal.

Nag-isip siya saglit. "Susubukan ko. Sina Chayo at Kuya pupunta raw."

"Halos lahat ng kaibigan ni Aria at Romulo ang pupunta," si Alvaro.

I nodded. Iyon nga ang sinabi ni Aria kanina. She just excluded her old friends who were my bullies then. Sa nagdaang taon din kasi, hindi na siya close sa mga ito kaya hindi kataka takang hindi niya na ito inimbita.

Mas close niya rin naman ang basketball group niya at kahit ako'y mas kumportable roon. Hindi rin masama ang mga kaibigan ni Romulo. Naging kaibigan na rin naman namin ang iba.

"Inarkila ba ni Aria ang buong Bistro?" si Chantal at ngumisi.

"Hindi naman yata. Kaunti lang din naman daw kasi ang bisita."

We chatted a bit. Si Alvaro naman, nalilibang sa mga pusa at paminsan minsang sumasagot sa mga tanong ni Chantal.

Kalaunan, umuwi na kami. Sa sasakyan ni Alvaro nilagay si Cheshire at Kuring. Sa akin naman si Garfield. Lumabas ako na kandong si Garfield. Nag-abang agad ang isang kasambahay gaya ng utos ko kanina para sa mga pusa.

"Sina Aria?"

"Nauna na. Dumiretso na raw kayo roon," sabay lahad ng kamay ng kasambahay sa pusa ko.

Kung sa bagay, kasama nila si Ria at dinner talaga ang sadya nila roon.

"Susunod po kami. Aayusin lang po namin ang mga pusa bago umalis."

Lumabas na rin si Alvaro. Dinaluhan ko siya at tinulungan. Kandong niya si Kuring kaya si Cheshire naman ang kinuha ko. I smiled at him as I watched Kuring lazily brush his face on his embrace.

May nilaan akong kuwarto para sa mga pusa sa unang palapag. Dati itong stockroom na hindi naman talaga ginagamit. Hinati ko ito noon at ginawang dalawang maliit na kuwarto. Ang isa, stockroom ng mga kasambahay, ang isa naman ay para sa mga pusa... para kay Garfield noon.

We put the three cats there. Agad na naglapag ng pagkain si Manang samantalang pinagmamasdan ko si Kuring na nahiga agad sa isang maliit na box na ipinasdya ko talaga para sa mga pusa.

Si Cheshire at Garfield ay parehong pumunta sa cat furniture at kahit hindi naman doon ang kanilang higaan, inangkin na nila ang dalawang bahay sa tuktok niyon.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن