Kabanata 15

470K 26K 21.1K
                                    

Kabanata 15

Weird


We went to Hong Kong the next years vacation. At dahil hindi na naman makakasama si Tita at Tito kung hahabaan pa ang bakasyon, ako na lang ang sinama ni Aria sa Boracay. Ang mga dating kaibigan niya sa Bacolod ay nagkaroon ng annual trip.

Pumayag lang siya na isama ako dahil sa Bacolod na muna si Tita at Tito dahil sa pagpaparenovate ng ancestral house nila. Ayos lang naman sa akin na sa Altagracia na lang ako kaso nitong mga nakaraang buwan, lagi na lang napapagalitan ni Tita at Tito si Aria dahil sa pagbo-boyfriend niya.

Last year, hindi ko na nga nakita si Kuring. Pero tuwing hapon, at napapadaan ang sasakyan sa mga Santander, natatanaw ko si Ate Gen na kandong ito. I miss him but I didn't want to be a bother. Hanggang tingin na lang ako.

Tumigil lang yata iyon nang bumalik si Ate Gen sa Cebu. Pero may mga araw at linggo pa rin namang natatanaw ko siya roon. So I made it a habit to look at their house everytime I go home from school.

Nakaupo ako ngayon sa isang lounger sa tabi ng pool. Hapon na at hinihintay ko si Aria na maligo. Gusto niyang sa kuwarto lang ako at siya lang ang lalabas. Kaya lang, mahigpit na sinabi ni Tita at Tito na magkasama kaming dalawa sa trip na 'to. Kahit pa nariyan ang mga kaibigan niya.

Kaninang umaga, sumama ako nang nag island hopping sila. Akala niya matutulog ako sa pagod ngayong hapon, at mukhang may planong pumuslit at umalis na silang dalawa lang ng boyfriend niya.

Aria looked so good on her cover up. Sobrang sheer nito na kitang kita ang kulay yellow na bikini. I am wearing a rashguard. Naka pag two-piece naman ako ikahapon pero sporty attire iyon, hindi kagaya kay Aria na string.

Kumunot ang noo ko nang may kasama siyang hindi ko naman kilalang lalaki. Kasing edad ko iyon at agad niyang inilahad sa akin.

"Nakita ko sa lobby etong si Noel. Pinsan siya ni Margaux," aniya.

Lito ako pero naglahad pa rin ng kamay. Noel laughed. Nagkamot ng ulo at mukhang nagpapacute kay Aria, bago tinanggap ang kamay ko.

Sa tagal ko nang nakasama si Aria sa mga ganito, alam ko na ang mga reaksiyong ganito sa mga lalaki. Mas matanda si Aria kay Noel pero alam kong iniisip niyang may pag-asa siya rito.

"Dito muna kayo. Noel, may titingnan lang ako roon sa station. Babalik din ako."

Napabaling ako kay Aria. I know what she's doing.

She noticed that this boy liked her. She lured him here to accompany me, para hindi ko siya mabantayan.

"Aria, bilin ni Tita."

"Ano ka ba. Saglit lang ako. Noel, si Yohan, pinsan ko 'to. Upo ka muna. Babalik lang ako. May bibilhin lang."

Nag-alala agad ako. Sinundan ko ng tingin si Aria at gusto ko sana siyang sundan kaso... narito na si Noel sa tabi ko.

"Sa inyo si Aria nakatira?"

Napabaling na ako sa kanya. Wala nang choice kundi hayaan si Aria. Magsasabi na lang ako kina Tita at Tito mamaya pero nasisiguro kong kukumbinsihin na naman ako ni Aria na manahimik.

"Ah. Oo. Taga Bacolod talaga sila tapos tumira lang sa amin dahil... wala na akong parents."

I smiled. Not that he cares, though. I know this too much.

"Taga roon din ang pinsan kong si Margaux. You must know her."

He's cute. Siguro isa hanggang dalawang taon ang tanda sa akin. Baby face pa at ang buhok ay mahaba at nakaparte sa isang side. He looked like a popular boy idol, especiallly with his small hooded eyes and white upper teeth.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now