Kabanata 35

583K 29.4K 30.9K
                                    

Kabanata 35

Trust


Dinaldal nina Aria at Romulo si Alvaro habang unti-unti ko pang pinapakalma ang naghuhuramentado kong puso. It's okay. Kailangan ko nga yata iyon dahil tingin ko, kung lumalim pa ang usapan namin, totoong mahihimatay na ako.

Tinawag na rin kami sa dining area kalaunan. And soon, we started eating. Si Tito pa ang unang nagsalita habang kumakain kami.

"So, nanliligaw ka pala sa pamangkin ko, Captain?"

"Opo," si Alvaro sabay tingin sa akin.

Ngumisi si Tita. "Tamang tama at walang boyfriend 'yan sa taong ito. Hindi nababakante 'yan noong kolehiyo, e."

Aria almost choked on her food. Nilingon ako ni Alvaro at ngumisi siya.

"Huwag mo namang siraan si Yohan," si Tito na pabirong sinaway si Tita.

Natawa si Tita. "Hindi naman sinisiraan, Clavio. E, normal naman magka boyfriend noong kolehiyo si Yohan. Sigurado ring sa gandang lalaki nito ni Alvaro, nagkagirlfriend din ito noong kolehiyo."

Tumawa lang si Alvaro. Nilingon siya ni Tita. Akala ko hindi niya na tatanungin pero nagpatuloy siya.

"May naging girlfriend ka ba noong nasa PMA ka, hijo?"

Ngumisi si Alvaro. He looked kind of awkward but he still answered. "Wala po."

"Kung sa bagay. Iba nga naman doon kumpara sa normal na eskuwelahan. E, noong g-um-raduate ka, mayroon ka na sigurong naging girlfriend din?"

Tumawa si Alvaro. "Pinili ko po kasi kaagad sa field at special forces kaya, wala na ring panahon sa ganyan, Ma'am. Kaya nga ngayong naka luwag luwag na sa schedule, nanligaw na agad," sulyap niya sa akin.

Tita lips parted. "E, nagkagirlfriend ka naman noong high school."

"Oo, Mommy. Dami niyang girlfriend," si Aria.

"Ah, mabuti naman at nakapag girlfriend ka kahit paano! Kasi kawawa ka naman kung hindi talaga kahit kailan, e, ang gandang lalaki mo!"

"Oo nga," si Tito. "Ang habulin mo siguro, Captain."

"Hindi na kayo mga bata nhi Yohan, kaya girlfriend-girlfriend lang ba 'yan o seryosohan na?"

Uminit ang pisngi ko. Halos matigil ako sa pagkain. Alvaro was still graceful, though. Kumakain at hindi naman nabibilaukan sa mga sinasabi ni Tita.

"Ah, sa edad ko po, gusto ko na 'yong pangmatagalan. Kaya..."

"Naku, Alvaro! Si Yohan, ayaw pang mag-asawa. Boyfriend boyfriend lang daw muna."

Alvaro then glanced at me. He pursed his lips. I think I already froze a while ago.

"Ayos lang naman, hindi ko naman minamadali rin. 'Tsaka manliligaw pa lang ako. Sa susunod na 'yan, baka ma basted pa ulit ako."

Nagtawanan sila samantalang parang nag o-overheat na ako rito!

"Ako naman, walang problema sa akin kung mag-asawa na ito si Yohan. Nagbabalak na nga sina Aria na umalis dito sa mansiyon kaya mag-isa na ito rito! Baka ang susunod nito, pamumugaran na ang mansiyon ng multo!"

"T-Tita..."

Tumawa si Aria.

"Ah, hindi naman din po ako nagmamadali sa pag-aasawa-" si Alvaro na siningitan ni Aria.

"Boyfriend lang gusto ni Yohan! Baka mag break kayo kalaunan din!" si Aria na ngumingisi.

Sinimangutan ko siya. That's not really what I meant but. Nakatitig na si Alvaro sa akin.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now