Kabanata 3

526K 24.9K 21.7K
                                    

Kabanata 3

Believe


Dear Alvaro,

First of all, I would like to thank you for taking this responsibility. Hindi biro ang pag-aalaga ng kuting. Pasensiya na kasi hindi ko siya maalagaan sa amin. Sana naghanap na lang ako ng ibang puwedeng mag-alaga rito. Don't get me wrong, I'm happy that you volunteered but I just think that it will only be a burden to you. I hope he won't be a burden, though. I hope he grows up easy.

I would like to meet him if there is a chance and if it is also convenient to you. Like what you said, I will just wait if Aria says so. I hope your family won't mind if you bring him in your house. That's all. Thank you again.

Yohan

Naisip ko bigla ang pamilya niya dahil sa sinulat ko. Si Alvaro ang bunso sa tatlong magkapatid. All of them used to work in our azucarera. Sa pagkakaalala ko, malaki na ang posisyon ni Tito Carmelo. Nasa accounting naman si Tita Ana. Ang dalawang nakatatandang kapatid ni Alvaro ay tumutulong na noon sa azucarera samantalang siya, bata pa, madalas lang bumisita at nag-aantay ng utos.

That was how I met him... and his family. They were good people. I remember Ate Gen telling Alvaro to find Gmelina fruits so they can sell it. Sumasama ako minsan at tumutulong na gawin iyon. Ibinibenta nila noon dahil marami namang bumibili para itanim sa mga bakuran at minsan, ginagawang farm. Ang mga hindi naibebenta ay ibinabalik naman nila at itinatanim sa sariling bakuran dahil malawak naman ang kanilang lupain.

I remember having to get a full two-month vacation some years ago the reason why I lost contact with their family. Nagbinata na si Alvaro, si Kuya Gilbert, pumasok sa PMA, si Ate Gen naman abala sa pag-aaral - balita'y maraming offer na scholarship sa Cebu dahil matalino.

Bukod pa sa busy na ang pamilya nila, lumipat din ang mga magulang ni Alvaro sa mga Alcazar. Kaya ngayon, doon na rin si Alvaro nagtatrabaho.

I have completely lost contact with his family. And maybe, like other childhood friends, you will completely lose contact with them because you are all growing up. Iyon na lang ang isiniksik ko sa utak ko lalo na't hindi na rin naman sila binabanggit ni Dad.

Pagkatapos ng exam ko sa hapon, dumiretso na ako sa kuting. Nilinisan ko siya at pinakain. Nilapag ko na ang sulat sa isang stationery na nilagyan ko ng pabango sa box.

It's three in the afternoon. I still have time to pet and enjoy the kitten while waiting for Alvaro. Ang plano ko'y aalis na kapag malapit na ang alas kuwatro para hindi na kami magpang-abot pa.

Nag enjoy ako sa paghahaplos at pakikipaglaro sa kuting. Lumusog na siya ng kaunti at nakikipaglaro na kahit paano. Madalas ang tingin ko sa relo ko para hindi magkamali. It's 3:30pm. Inayos ko ang eye glasses ko at inangat ang kuting para yakapin. I was enjoying the hug when I heard someone call.

"Alvaro! Mamaya?"

Matinding pagkakataranta ang naramdaman ko. Natanaw ko na nilingon nio Alvaro ang tumawag at palapit na nga siya roon!

Mabilis kong binaba ang kuting sa box at agad na tinakbo ang distansiya ng lababo at ang likod ng gym para makapagtago! Hindi ko inalintana ang talahib doon at iilang mga sirang armchair na doon na lang nilagay.

Hinabol ko ang hininga ko at dumikit sa dingding na may vandals para lang makapagtago. I heard his footsteps but it stopped. Hinawakan ko ang puso kong tumatalon pa rin sa kaba. Narinig ko ang ngiyaw ng kuting at inisip na maghihintay lang ako doon hanggang sa umalis siya.

Nagtagal. Naririnig ko pa ang ngiyaw ng kuting kaya hindi pa rin ako gumalaw. My heart is now beating steadily but it was still loud.

"Nasaan ang amo mo? Ang akala ko ba iaabot ka niya sa akin?" Alvaro uttered.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now