Kabanata 25

545K 32.3K 36K
                                    

Kabanata 25

Command


Lumipas na ang weekend. Alvaro didn't text me anymore. It's not like I was expecting him to, though. Hindi rin naman ako nag-reply.

Soren texted me to apologize, though. He was drunk and he barely remembered what happened. He wanted to see me to apologize in person pero tinanggihan ko na. I told him I have a lot of things to do pero ang totoo, medyo hindi pa maganda ang pakiramdam ko sa huling nangyari.

Pumasok na ako sa opisina ng naglunes. Hindi na naman tambak ang trabaho pero may mga kailangan lang akong pangunahan lalo na doon sa mga harvest.

Papasok sana ako sa shelter sa araw na iyon dahil unang araw nhi Chantal bilang vet. Kaya lang, kagabi'y humingi siya ng tawad na hindi siya makakapasok. Na sa Tuesday na. Kaya naman nagpasya na ako na sa azucarera na buong araw.

Laking gulat ko nang tumawag ulit siya umaga sa araw na iyon, abala na ako sa azucarera. Na papasok na siya. I apologized to her because I can't be with her on her first day but she said it's okay.

Babawi na lang ako bukas kaya tatapusin ko lahat ng mga kailangan ngayon.

Ako:

Doc, kung may time ka after duty. Puwede ba tayong mag dinner sa cafe?

It's for Chantal. I'm not sure if it's too much to ask but I really want to thank her. Isasama ko na rin ang trainees, of course.

Chantal:

Sure!

I sighed. Buti naman!

Ako:

Thank you! Sagot ko na, ah. I'll send memo to the staff. Puwede kang magsama...

I didn't specify anyone. Baka naman kasi... hindi lang iyong anak niya ang isasama, hindi ba?

Chantal:

Thank you.

Mas determinado akong tapusin ang trabaho dahil kailangan maaga ako sa cafe. At kapag may hindi ako natapos, balik na lang ako dito bukas bago ako pupunta ng shelter.

I was busy inputting the successful harvest in my computer when someone knocked.

"Pasok," I said and the door opened.

Ang sekretarya iyon pero bago pa siya nakapagsalita, nakita ko na si Alvaro. Wearing his BDA, he always looked breathtking. Muntik ko nang sampalin ang sarili ko magising lang sa katotohanan. Mabuti na lang at traumatic ang boses ni Aria sa utak ko.

"Si Captain Santander daw, Miss, tungkol sa report sa shooting."

"Thanks," sabi ko at kunwari nagpatuloy sa pag-iinput kahit na mali naman iyon.

Ginalaw ko ang mouse para i-erase ang maling input habang lumalapit si Alvaro sa lamesa ko at sinarado ng sekretarya ang pintuan.

Nilapag niya ang isang folder sa harapan ko. May upuan sa harap at may sofa rin pero mas pinili ko ang sofa para sa kanya. I don't like it much when he's near.

"May sofa," sabi ko.

Tumango siya at umatras ng kaunti. Naglakad siya papunta roon pero natigilan din sa kalagitnaan. Kinuha ko ang folder. Hindi ko siya inaasahan ngayon pero ayaw ko namang magmukhang gulantang na nandito siya.

"Uh, ako na ang naghatid ng report dito. Itinawag naman 'yan kaninang umaga kaso mas gusto kong may ibigay na hardcopy."

Hindi ko naman din alam kung ano nga ba ang proseso sa ganito. Itinawag nga ni Tita kanina ang tungkol dito.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now