Kabanata 7

509K 25K 12.4K
                                    

Kabanata 7

Date


Aaminin ko, kahit sinabi ni Alvaro na aalis sila. May kaunti pa ring takot sa akin na baka puntahan ako roon nina Soren.

Nasa kabilang side sila ng bahay, kung nasaan ang swimming pool. Malawak ang tanggapan at ang living room pero hindi pa rin ako matahimik. Everytime I hear them laughing, I always imagine them coming here and laughing at me.

Kaya hindi ako natahimik sa pakikipaglaro kay Kuring. Hindi ko tuloy natiis na dalhin siya sa mas malayo. May hardin kaming inaalagaan ng mga hardinero namin. Noong buhay pa si Dad, doon madalas kapag may salo salo. Matagal na ring walang salo salo sa amin pero napanatili naman ang ganda ng hardin.

"Kuring!" sabay tawa ko habang tinatakbo ang distansya namin.

Pumasok pa ako sa loob gamit ang backdoor ng kitchen para makainom doon ng tubig. Binigyan ko rin ng tubig si Kuring. Masaya ang mga kasambahay naming makipaglaro kay Kuring kaya nagtagal kami roon.

I heard the multiple orders from Aria. Pero kalaunan, ang pagliligpit na ang inaatupag ng mga kasambahay.

"Aalis na yata sila," sabi noong isang kapapasok lang at may dalang tray ng mga pinaggamitang baso.

Masyado akong nalibang kaya naisip kong bumalik na sa hardin, at sa gilid ng mansiyon. Baka hinahanap na ako ni Alvaro ngayong aalis na pala sila!

Dala-dala si Kuring, nagmadali ako pabalik sa kung saan ako iniwan ni Alvaro. I was right. He was already there, with his eyes wandering around. Medyo hindi rin siya mapakali at napaahon ng kaunti nang natanaw ako.

Hinihingal pa ako at itinatawa na lang ang kaba at kahihiyan.

"Pasensiya na, natuwa ako sa pagtakbo ni Kuring... at... napunta kami sa likod," sabi ko sabay bigay kay Alvaro kay Kuring.

He nodded. "Ayos lang. Mabuti at natuwa ka. Maaga pa naman at puwede pa sana kayong maglibang kaya lang uuwi na kami."

Hindi pa siya natatapos, umiiling na ako. Kinuha ko ang ecobag at iyong ba na rin ni Kuring.

"Ayos lang. Baka rin pagod na si Kuring. Umabot kasi kami sa hardin at nilaro rin siya ng mga kasambahay sa likod."

Tumango siya at ngumiti. Tinanggap niya ang mga dala ko.

"Mag-eenrol ka na ba?"

"Oo. Baka samahan ako ni Manang."

"Hindi si Aria?"

Umiling ako, nakangiti pa rin. "May lakad daw siya, e. At sanay naman ako na si Manang ang kasama ko."

Tumango siya.

Nagkatinginan kami saglit. I expected him to say good bye but he didn't move or say anything. Nakatingin lang din siya sa akin, hawak si Kuring.

"Alvaro?" I heard Soren calling.

Namilog ang mga mata ko at gusto ko na sanang tumakbo. Lalo dahil sinegundahan pa ni Juan.

"Nandito 'yon, e! Hinahanap ang kuting-"

"Sige, Yohan. Alis na ako," aniya.

"Bye!" sabi ko at tinalikuran na siya para sa likod na lang dumaan.

That was our last interaction. Madalas na kasi ang alis ni Aria. Naiintindihan ko rin naman dahil malapit na ang pasukan, at baka wala nang panahon si Alvaro na bumisita dahil sa pagtatrabaho at pagtulong sa mga magulang.

I also heard that the Grade twelves are called by the school earlier. Hindi ko alam kung may exam ba o placement para sa kolehiyo, o may espesyal ba silang kailangang gawin.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now