Kabanata 26

615K 30.3K 41.4K
                                    

Kabanata 26

Call


Medyo magaan ang kamay ko sa manibela. Siguro dahil kabado pa ako pauwi dahil sa sinabi ni Alvaro.

Uminom ako ng tubig sa kitchen pagkauwi at dumaan na naman si Aria sa likod ko. Uminom din ng tubig. Hindi ako nagsalita.

I don't need her voice. I know exactly what to do without her nagging.

"Where have you been?" animo'y bodyguard kung makatanong.

"I treated my staff and Chantal Castanier sa cafe. Pampawelcome ko lang kay Chantal as vet."

She nodded but it seems like she wasn't convinced.

"Inaantok na ako," palusot ko.

Hindi ko gustong masabi kay Aria ang tungkol sa sinabi ni Alvaro kanina. Alam ko na rin naman ang sasabihin niya kaya mas mabuting manahimik na ako.

Hindi ko rin alam ano ang ibig sabihin ni Alvaro roon. Manliligaw raw siya. Gusto kong matawa. Ang sabi ni Aria, hindi siya nanliligaw. NAniniwala ako roon. Kaya paano niya ako liligawan e hindi siya marunong?

My heart pounded at the thought that he's going to court me. Alvaro is going to court me!

I shook my head. I shouldn't think too much about it.

Hindi ako mapakali sa opisina habang ginagawa ang trabaho ko. Mabuti na lang at naging responsableng lider naman ako at natapos ko iyon bago umalis sa hapon para maka bisita sa shelter.

Pagdating ko roon, nagpabili agad ako ng merienda habang ako na ang tumao sa counter.

Abala si Chantal. May isinugod na nagkasakit na aso. Hindi tulad noon na nagtutulungan pa sa kaalaman ang trainees, ngayon may sigurado na sa ginagawa at natututo rin ang mga naroon.

I had to ask for more monoblock chairs because it's packed today.

May gustong mag adopt ng mga aso, may isang nagpapavaccine, mayroon ding nagpapadeworm ng tatlong aso.

Hindi kakasya ang pitong taong nakapila sa pandalawahang upuan kaya nagpakuha na ako ng monoblock chairs.

Sa mga adoption, ako na muna ang nag facilitate lalo na't may isa pang isinugod galing pa sa La Carlota na may parvo pa yata.

It was a busy afternoon when Alvaro went inside. Nagkatinginan kami. Nagulat din siya sa dami ng tao. He smiled at them. He was offered a monoblock chair but he declined.

Nakatayo lang siya roon at nakatingin sa kulungan habang sinusulyapan ako.

"Okay na po 'yan," sabi ko sa lalaking mag-aadopt noong stray dog na na rescue namin.

Kumpleto na naman ang vaccine pero may mga nilagay lang akong reminders para sa mga deworming at next na shots nito.

Alvaro is wearing a white t-shirt this time. Naka itim na pants at boots na itim din. He was standing and he looked as if posing for a magazine photoshoot along with the shelter dogs cage.

"Good afternoon, Sir!" mga trainees ko na sunod-sunod bumati nang natanaw si Alvaro.

Chantal is still busy so all she could do is smile and continue on her work.

Isa-isa na naattend ang mga pending na adoption kahapon. Ipi-pick up na lang ang iba kaya mabilis din.

Nang kumonti ang tao sa upuan, saka pa lang tuluyang naupo si Alvaro. His ex entered with a dog.

"Alvaro?" it was his earlier ex. Nalimutan ko ang pangalan pero tanda kong grade six ako noong naging girlfriend niya.

"Gellie..." si Alvaro.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now