Kabanata 32

563K 34.9K 46.4K
                                    

Kabanata 32

Bittersweet


Hindi na rin naman nagtagal si Alvaro. Nang umuwi ako, sumunod na rin naman siya.

Magkasabay pa kami halos sumakay sa kanya-kanya naming sasakyan. Tahimik lang akong naghahanap ng susi samantalang nakatingin siya habang binubuksan ang pintuan ng sasakyan.

At dahil malapit lang ang bahay nila sa amin, pareho rin ang daanan. It's just that unlike then, he slowed down near their house. Hindi niya na ako hinatid sa amin.

Bukas ang Homecoming sa school. Hindi gaya ng older batches na lagi nang nagrereunion, marami pa sa batch namin ang nag-aaral pa o 'di kaya'y nasa ibang bansa. Kaunti lang kaming nasa Altagracia kaya hindi ako kasing abala ni Aria.

Sometimes, I envy Aria's enthusiasm for it. Umaga ng Sabado at marami agad siyang katawagan sa hapag samantalang hanggang chat lang kami ng ka-batchmates ko. Hindi raw makakauwi dahil abala sa review o 'di kaya'y law school. Ang iba ay nasa U.S. pa at sa pasko pa ang uwi kaya hindi ako gaanong excited.

"Oo! Magdadala ng inumin si Romulo!" si Aria habang nasa cellphone.

I continued eating. Nagpatuloy naman ang katawagan niya. Pagbaba ng isang tawag, may isa namang tawag na papasok. Si Romulo naman, may tawag din minsan.

"Oo. Pupunta kami mamaya ni Aria. Nakauwi ka na?"

I looked at our group chat. Si Angelo ang huling nagreply kung anong oras siyang pupunta. I'm not sure if I'm excited.

My last years in juniour high and the whole senior high, I was a normal student. Hindi bullied, may mga manliligaw, at nagkaboyfriend. Hindi ko nga lang alam ang mararamdaman ko kung makita ko ang older batches ko gaya nina Alvaro.

A sudden burst of inferiority touched me. Hindi na naman ako si Yohan noon at naging kaibigan ko rin ang batch nila pero parang kinakabahan pa rin ako tuwing naiisip ko na makikita ko sila mamaya. They were a loud, full of boys, well-bonded kind of batch.

"Excited ka na mamaya?" nakangising tingin ni Aria sa akin, tapos na pala ang tawag niya at natutulala na ako sa dami ng iniisip.

"Ba't naman ako ma-eexcite?"

"Anong susuotin mo?" she asked again, ignoring my question.

"Normal clothes," I answered.

She made a face.

"Walang after party ang batch n'yo?"

Nagkibit ako ng balikat dahil hindi ko rin naman alam.

"Kawawa ka naman..." she teased.

Mas dumagdag tuloy iyon sa kaba ko. Hindi na naman ako tulad noon pero bigla kong naalala sa araw na iyon.

Hapon na at naghanda na ako para sa Homecoming. Magje-jeans lang sana ako pero natanto kong ganoon lagi ang suot ko kapag pumupuntang azucarera. I have a chance to dress up now for a party and yet I am not dressing up?

Kinuha ko ang isang terno floral white skirt and semi cropped top. I let my long hair down, parted at the center, then on my hand is my small YSL clutch. Lumabas ako ng kuwarto at bumaba na.

Handa nang pareho si Romulo at Aria. Tumingala si Aria sa akin habang pababa ako ng hagdanan. Kumindat siya at lumapad ang ngisi.

"Huwag ka nang magdala ng sasakyan, ah. Si Romulo na ang bahala. Para puwedeng maglasing."

"Hindi ako maglalasing."

Ngumiwi siya. "E 'di kami ni Romulo, tapos ikaw na ang magdrive pauwi."

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now