Kabanata 5

538K 24.7K 19K
                                    

Kabanata 5

Secret


I couldn't stop thinking about our meeting. Kahit pa isang linggo na ang lumipas mula noon, paulit-ulit pa rin sa utak ko. It became my past time.

Nakahiga ako sa duyan malapit sa pool habang iniisip iyon. I stopped reading because it crossed my mind. Matagal tuloy bago ko napansin ang biglaang ingay sa tanggapan.

"Huh? May bisita si Aria?"

It was too late, though. Yes, she had visitors. Usually she tells me beforehand. Ayaw kong makihalubilo sa mga bisita niya dahil aasarin lang ako, at ayaw din naman niya akong makihalo sa mga kaibigan niya.

Kaya nakapagtataka na hindi niya ako sinabihan sa araw na iyon. Nataranta ako bahagya. I always look ten times more awful when at home. I don't comb my hair or even powder my face. Worse, I'm wearing an ugly ruffled dress!

Hindi ko pa agad maisuot fluffy Marie cat slippers ko dahil sa pagmamadali! Natatakot ako na kapag naabutan ng mga kaibigan ni Aria, pagtatawanan lang ako!

"Yohan?" si Aria.

Papasok na ako sa bahay at didiretso na sana sa hagdanan nang nasalubong ko si Aria. Behind her is Alvaro! Hawak niya si kuting at dala niya ang ecobag!

Hindi ako magkanda ugaga sa uunahin ko. Natigil ako at may kaunting tawanan sa likod nila, mga kaibigan ni Aria at Alvaro. My eyes flew to them even when Alvaro and Kuring is more important.

Bakit hindi sinabi ni Aria 'to? Nakaramdam ako bigla ng hiya sa itsura ko! At pakiramdam ko ang tawanan galing sa mga kaibigan nila ay para sa akin.

"Si Yohan pala may-ari niyang kuting?" Daniel, Alvaro's friend asked.

Hindi sumagot si Alvaro. Lumapit lang siya sa akin para iabot ang kuting. Tinanggap ko naman iyon, kinakabahan.

"Hindi kasi puwede rito sa amin. Ayaw ni Mommy," si Aria ang sumagot.

"Eto ba 'yong inaalagaan ni Josefa sa lababo sa gilid ng gym?"

Sinipat ko ang isa sa mga kaibigan ni Alvaro na parang ginagawang katatawanan ang pangalan ko. Madalas niya akong tawaging ganoon. I have no problem with my name but whenever he calls me that, with a hint of insult, I suddenly hated it.

"Mabubuhay naman yata ang mga pusa kahit pabayaan," one of their girl classmate said.

She looked pretty with her short curly hair and freckles. Maiksi ang shorts at naka spaghetti lang. Kita ang strap ng kanyang bikini sa dibdib. Siniko niya si Alvaro at nginitian.

"Ang bait!"

Alvaro only shrugged.

Juan chuckled. "Kung sa bagay, kawawa nga naman ang ganito ka liit na kuting kung hahayaan sa school. Ang liit pa..."

"Mahilig ka ba sa pusa, Juan?" the curly haired girl turned to him.

"May alaga ang kapatid ko niyan sa bahay. Ayos lang naman, nalilibang ako minsan. Ayos lang sa inyo, Alvaro?"

"Wala namang problema."

Nagtagal ang tingin ko saglit kay Juan, ang tumatawag sa akin ng Josefa. I dislike him from always teasing me about my name but... I'm kind of glad that he likes cats.

"Nilalaro ko. Marami pa nga kaming extrang laruan sa bahay. Kaunti na lang pusa namin ngayon, naglayas ang iba. Gusto mo ba ng laruan para sa kuting, Josefa?"

Umiling ako, hindi pa rin nagtitiwala.

"Bumili na siya noong nakaraan kaya meron na namang laruan."

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now