Kabanata 14

460K 26.1K 19.9K
                                    

Kabanata 14

Pity


It was their prom night. Buong araw kong iniisip ang paag-eenjoy ni Alvaro doon. Siguro isasayaw niya lahat ng crush niya sa gabing iyon. Iisipin niya na huli na iyon dahil aalis na siya pagkatapos ng graduation.

I sighed. Bakit ba hindi ko magawang ibigay sa kanya ang sulat ko kahit na ganoon din naman ang iniisip ko?

I opened my notebook. I searched on the pages for the letter I wrote. Naalala ko na inipit ko iyon sa notebook ko pero kinabahan ako nang nawala.

Paulit ulit kong tiningnan ang mga pahina. At halos alugin ko na ang notebook para lang mahulog ang sulat kung naroon man pero wala!

My heart pounded thinking that it's lost. Paano kung may ibang makapulot?

"Anong hinahanap mo riyan?" si Aria nang nakitang tinitingnan ko na ang ilalim ng upuan namin sa sasakyan.

Hinalughog ko na ang bag ko. Pumunta na rin ako sa locker room. Wala roon ang sulat. Nagpunta na rin ako kanina sa Kiosk na madalas kong upuan, wala rin doon.

Hindi ako sumagot. Sa huli, hindi ko nahanap sa sasakyan. I was so bothered. Pag-uwi sa bahay, ang kuwarto ko naman ang gustong baliktarin para mahanap iyon.

Where could it be? I don't know.

Nagulo at nalinis ko ang kuwarto buong gabi para hanapin iyon pero wala roon. Binalikan ko pa ang ilang parte na tingin ko'y puwedeng paglagyan, ng dalawa, tatlo, apat na beses... pero wala.

The next morning, I still couldn't stop finding it. Pagkadating sa school, inuna ko ang mga Kiosk. Nagmadali ako patungo sa klase at nasa loob na ako ng classroom ng naisip ang library.

I couldn't even stop and check out the Senior Highs prepared programs and decorations for today dahil sa paghahanap ng letter ko.

"Sayang. Ngayon sana 'yon!" mga kaklase ko.

May programme ang Senior High ngayon dahil wala silang pasok. Para sa buong school naman iyon pero siyempre, dahil may pasok kami, hindi namin mapapanood ang lahat. Tanging ang mga higher levels lang na walang pasok ang makakapunta. Ang buong Senior high ang walang pasok kaya para sa kanila talaga iyon.

Naisip ko ang library. Hindi kaya aksidente kong naiwan doon? O sa mga nahiram kong libro, naipit ko roon?

On our library period in the afternoon, everyone planned to go to the Senior high programme. Nanghihinayang nga ako na hindi makakapunta kaso kailangan ko talagang pumunta sa library para maghanap.

"Magbabasa ako ng poems ko!" nag-uunahan ang mga kaklase kong pumunta.

I was already on the library's entrance when I heard the familiar words.

I stopped. Nagmamadali ang mga estudyante patungo sa daanan kung saan nakatayo ang isang improvised stage ng mga senior high para sa mga programme sa araw na iyon.

At first, I couldn't believe it. I thought it's just a coincidence. After all the words I used weren't unique but then it was all too familiar.

Hindi ko alam kung nabasa ba ang simula o iyong parte lang na iyon ang binasa pero hindi na ako puwedeng magkamali.

"My heart skips a beat everytime I see you. I don't know if it always shows but whenever you smile, it beats wildly. Hindi ako komportable sa lahat ng tao sa paligid ko, pero nang nagbiro ko sa akin..."

These are my words!

"Whenever I hear your name, my heart goes wild. I always suppress it because I know you don't like me. But each day, it grew more and more wild."

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora