Kabanata 10

432K 23.4K 31.2K
                                    

Kabanata 10

Hugs


Nakatingin si Alonzo sa akin, nakahalukipkip. Hinintay niyang makauwi pati ang cleaners para kausapin ako. Kanina, nang d-in-ismiss niya ang klase, sinabi niya na magpaiwan ako dahil kakausapin niya.

I am awkwardly standing in front of him. Hindi ko alam kung anong sasabihin niya pero mukhang hindi maganda. Mukhang namomroblema siya.

"Ayos lang ba 'to sa'yo?"

Ngumuso ako, hindi talaga alam ang sasabihin. Kinakabahan ako sa totoo lang.

Sa dating mga intramurals, pagkatapos ng field demo, wala na akong ibang participation. Nakikikain na lang sa mga booth ng street foods at namamasyal sa school. Pumupunta sa mga laro at manonood mag-isa. Ganoon lang ang ginagawa ko.

Hindi ko alam na pagtungtong pala ng Junior High, magkakaroon na nga kami ng booth. Required iyon sa homeroom subject.

Katatapos lang madiscuss ang tungkol sa mga magbabantay sa booth. Hindi ako magtitinda at gagawa ng juice pero kailangan ako araw-araw. Kami ng prince charming na si Angelo. Tatayo lang naman kami roon at mag aantay ng may gustong yumakap.

Kay Angelo, malamang maraming yayakap. Pero sa akin, hindi ko alam. I was voted as muse only to be laughed at.

Hindi naman sapilitan ang yakap pero ang purpose dapat doon ay para maparami ang bibili. Since maraming may gusto kay Angelo na nasa sophomore at mga Grade School din, given na na may bibili nga. Pero sa akin, hindi ko alam. I don't have a problem, though. I can just stand there whole day and wait for it to end.

Kaya lang... will my classmates forgive me for my little to almost no contribution?

"Ayaw ko sana. It's clear that your classmates are making fun of you. Kaya lang hindi ko rin gusto ang sinabi mo kanina."

"S-Sir?" nagulat ako sa sinabi niya.

"Na hindi kikita ang booth n'yo. Mukhang wala kang tiwala sa sarili mo. Kaya hinayaan ko na dahil gusto kong magkaroon ka ng tiwala sa sarili mo."

Yumuko ako at inisip na tama naman si Alonzo. Nahihiya lang ako dahil ang totoo, tatawanan lang ako ng lahat. Kaya lang kung lagi kong tatakbuhan ang mga ganitong sitwasyon, baka nga lagi na lang din nila akong pagtatawanan. Ayaw ko ng ganoon.

"Kakausapin ko ang-"

Natigil si Alonzo nang may dumating. Napaangat ako ng tingin nang nabanggit ni Alonzo kung sino iyon.

"Pasok ka, Alvaro."

Nanlalaki ang mga mata ko nang nakita si Alvaro. Pawis at naka jersey na may dalang record book. Nakatingin siya sa akin, may pagtataka sa mga mata at kunot ang noo.

Nilapag niya ang record book sa teacher's table sa harap ni Alonzo. Pabalik balik ang tingin niya sa akin at kay Alonzo. I was too stunned to even smile.

"May problema ba, coach?" si Alvaro habang binabasa ni Alonzo ang dinala niyang record book.

Napatingin si Alonzo sa kanya. Sumulyap si Alvaro sa akin dahilan yata kung bakit nakuha ni Alonzo ang tanong niya.

"Ah, pinaiwan ko lang si Yohan dahil may tanong ako."

"Ayos ka lang?" Alvaro asked me.

Maybe it was my shocked expression that bothered him, or I don't know.

"Ah. Oo."

He nodded. "Anong problema?"

Alonzo chuckled. "Huwag kang mag-alala, Alvaro. Wala naman siyang kasalanan kaya ko pinaiwan. May tinanong lang ako tungkol sa magiging booth nila."

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu