Kabanata 38

676K 33.4K 47K
                                    

Kabanata 38

Kiss


Tahimik ang gabi. Tumigil na sa kangi-ngiyaw ang mga pusa at tahimik nang naupo malapit sa amin ang mga ito.

He watched me intently, his eyes never faltering. Habang ako naman, hindi makatagal. Tuwing nagkakatinginan kami, madalas kong iniiwas. He didn't probe it again, he just remained silent, with a ghost of a smile on his face.

Sinulyapan ko ang bangle sa kanyang palapulsuhan. It looked like silver in the dark night. It suited him so much, manly and simple. Wala nang ibang detalye, bukod sa naka engrave sa likod noon, na hindi naman din kita ng titingin. Kaming dalawa lang ang nakakaalam.

"Sinasagot na kita," sabi ko, hindi siya matingnan ng diretso.

Uminit ang pisngi ko. Hindi siya nagsalita. Nang sulyapan ko ay umangat na ang mga gilid ng labi niya.

"Hindi ko pa sana plano. Kasisimula mo lang manligaw ulit kaso..."

"Hindi ka magsisisi. Kahit tayo na, liligawan pa rin kita."

Sinimangutan ko siya. Ngumisi naman siya lalo.

"It's a miracle that after years, we saw each other again. Your feelings for me changed. My feelings for you probably changed too."

Nagtaas siya ng kilay. Nahimigan ko ng kaunting yabang sa ekspresyon niya.

"It matured through the years. Hindi na simpleng paghanga lang, Alvaro."

He smiled. Tinapangan ko na at tiningnan na rin siya. The night felt so serene. At tanging ang puso ko lang ang hindi mapakali habang tinatanaw ko siya.

"Nagtraining ka sa PMA, nag kolehiyo ako sa Silliman. Nadestino ka sa malayong lugar at lumaban sa giyera. It's a miracle that you came back here in one piece..."

Namungay ang mga mata niya. He pursed his lips.

"Yes, it's a miracle that I survived. And maybe you were my lucky charm all this time."

My lips parted. He swallowed hard. Dumaan ang kaunting sakit sa kanyang mukha at tinitingnan pa lang siyang ganoon, parang nasasaktan na rin akol. Hindi ko talaga yata kayang marinig ng buo ang mga istorya niya. But I also know that I need to go through that pain, maybe I could somehow ease it for him.

"Madalas kitang maisip kahit sa gitna ng giyera at mga misyon."

Ngumuso ako para pigilan ang ngiti. Sa gitna ng lungkot ko para sa kanya at sa mga pinagdaanan niya, hindi ko lubos maisip na dumadaan ako sa isipan niya kahit paano.

For years, I will lie if I say he didn't ever cross my mind. He did. At times. Pero minsan para lang ikumpara ang manliligaw o nagiging boyfriend ko. Ni hindi ko iniisip kung ano kaya ang mga paghihirap niya.

"At tuwing naiisip kita, lagi akong sinisuwerte." He smiled, his eyes a bit weary.

Ngumiti ako pero sumisikip ang dibdib ko.

He slowly took my hand. Isa-isa niyang maingat na pinagsalikop ang mga daliri naming dalawa. He looked at it like it was his most prized possession - our intertwined fingers.

Slowly, he brushed the back of my thumb with his. At kahit magaspang ang kamay niya, walang mas maingat pa sa haplos na binibigay niya. I closed my eyes, memories rushed on my mind. My young memories of him and not knowing the reason why I wished for him to hold me... even for a while.

I have loved him for a long time. Hindi man siguro ganito ka tindi ang pagmamahal ko sa kanya noon, pero minahal ko siya ng buong puso sa mga panahong iyon. I was young and hopeless. But in time, I forgot about him. I didn't wait for him. But I also didn't give my heart to anyone else.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now