Kabanata 31

666K 30.7K 29.4K
                                    

Kabanata 31

Cats


Unlike Aria's batch, my batchmates are not as active. Kasali naman kami sa Homecoming pero hindi pa gaanong nagkikita. Ang mga nangunguna kasi sa mga pagtitipon ay nasa ibang lugar pa kaya baka sa Homecoming na lang kami magkikita.

The days were very slow. Parang kitang-kita ko lagi ang bawat galaw ng kamay sa orasan. Marami naman akong ginagawa sa azucarera pero parang hindi maubos-ubos ang oras ko.

Alas tres pa lang, nakatunganga na ako kaya minabuti kong pumunta sa shelter.

Tuwing tumutunog ang chime, napapaangat ako ng tingin. Kinakabahan ng kaunti at parang humihiwalay ang kaluluwa sa aking katawan.

Iyon yata ang gawain ko sa natitirang oras ko sa shelter. Nasa likod na ako nagpapakain ng mga rescue dogs, nagmamadali pa akong bumalik sa counter nang narinig ang isang staff.

"Good afternoon, Sir! Para ba sa pusa n'yo?"

Hindi ko alam kung anong bilis ang ginawa ko pabalik sa counter. Namilog pa ang mga mata ni Chantal dahil akala niya mabubunggo ko siya sa pagmamadali. Nang nakalapit sa counter at nakita na si Juan iyon, kasama ang pusa niya, napasinghap na lang ako.

"Ah," nagkamot sa ulo si Juan at ngumiti. "Ipapa neuter ko sana ang pusa ko. M-May appointment ba dapat?"

"Ah." I sounded dismayed. "Oo kailangan ng appointment pero wala namang naka schedule si  Doc ngayon kaya puwede na rin 'yan."

Juan laughed a bit and looked at his cat. Kinuha ko iyon sa kanya. Lumapit na rin si Chantal at ito na ang nanghingi ng ibang detalye.

Tahimik ako. Maraming bumagabag sa isipan ko na hindi ko halos masagot ang tanong ni Juan.

"Magkano ba?"

"Eto na, Juan," si Chantal at pinakita ang kakaprint lang na mga detalye.

Kinuha ko na ang pusa at inilapag. Kinuha naman ito ng mga trainees. Bumalik ako sa counter.

"Ipapacheck ko lang ang pusa," si Chantal at lumapit na sa lamesa.

Tahimik akong nagpatuloy sa pagchi-check naman ng mga donations. Nanatili si Juan sa harap ko.

"Sasama ka naman sa homecoming?"

Napaangat ako ng tingin sa kanya. I don't remember us talking or being friendly with each other. Naalala ko lang ay tinatawag niya akong Josefa at kasama siya sa iilang tinatawanan ako. Lalo na dahil alam nila ng mga kaibigan niya na gusto ko si Alvaro.

"Oo."

"Ah, akala ko hindi ka sisipot."

Muli akong nag-angat ng tingin, nagtataka bakit iyon ang iisipin niya.

"Bakit naman hindi?" tanong ko.

Namula siya at tumawa ulit. I noticed he doesn't call me Josefa and laugh about it anymore. But then most of my bullies changed through the years.

"Juan? Hindi mo ba sasamahan ang pusa mo?" si Chantal.

"Oo nga pala!" he laughed again and immediately went to Chantal.

Ganoon ang mga sumunod na araw ko. Madalas akong maaga sa shelter dahil maaga ko rin namang natatapos ang gawain ko sa azucarera.

I spent most of my time there helping out with the rescue animals. Hindi na bumisita ulit si Alvaro. Hindi ko na siya nakita ulit pagkatapos noong sa Bistro. It was Thursday in the afternoon when I just lazily lift my head when I hear the chime.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now