You Are The Reason Prologue

206 16 4
                                    

"Hoy!!! habulin nyo!"

"Tara!  don sa kaliwa!"

"Adrestia!!!! humanda ka talaga pag nahuli ka namin!"

Kasalukuyang nag hahabulan kami ngayon dito sa palengke dahil sa ninakawan kung grupo , sapat na tong ganti para sa kinuha nila nung nakaraang linggo , sapat nanaming pangkain ni Inay.

*Bogsh*

'Patawad nay pero kailangan kong gawin ito para may pangkain tayo'

Habang tumatakbo ako sa may masikip na bahagi ng palaisdaan sa palengke  ay  panay rin ang pag tabig ko sa mga bilihin wala akong pakielam kung masira yung paninda nila importante ay makatakas ako sa mga ugok nato.Pag liko ko sa kaliwa ay agad sumalubong sakin ang matalim na tabak agad akong sumuot sa ilalim.

'Whoooo muntik nako dun! Hahahhahaay'

"Adrestia!!! papatayin kita!!"

"Sige!! libre mangarap!" Tawa tawang ani ko.

"Arghhhhh"

Agad akong lumiko sa may gulayan ng nakasalubong ko si Bogart ang lider nila, may naka suot na bachikorno sa mga kamao nya. Agad akong tumakbo ng mabilis at tudo iwas sa mga mamimili.

Ano ba!

Kayong mga bata kayo mag sialis kayo dito masyado na kayong nakaka perwisyo!!

Aahhh!!! ano ba!

Woii!

Ilan lang yan sa mga sumusuway sa mga ginagawa namin dito.Halos lahat ng nag titinda sa palengke ay agad pinag sasara ang mga tindahan nila.

Nakasalubong ko ang lima sa ka grupo nila at agad namang dumating ang iba pa nilang kasama pati yung lider nila , bali 15 silang nag hahabol sakin dahil lang sa wallet ng babaeng ninakawan nila , at ngayon napapalibutan na ako nila.

"Tsk tsk tsk Adrestia..... mukhang malas ka ata ngayon.. hahaahaahhaha" ani Bogart ang matabang lider nila bahagi sila ng gangster sa squatter kaya mga halang ang bituka nitong mga kaharap ko ngayon.

'Tss kung minamalas ka nga naman oh! Anak ng tinapa naman oh!'

"Tss! hoy taba baka nakakalimutan mo teritoryo ko tong tinatapakan nyo!" Maangas na ani ko

"Wala akong pakielam kung teritoryo mo ito o hindi Adrestia haahahah baka na kakalimutan mo babae ka parin"

"Whew...baka nakakalimutan mo mataba ka parin!" Pasipol na ani ko at nag tawanan ang mga kasamahan nya.

"hahahahahah mataba ka raw boss"

"Oo nga boss pero mukhang tama sya sa parting yun boss hahahhaahha"

"Tahimik!!!! nang-iinsulto ka ba ha! Adrestia!"

"Hala! nainsulto ka ba? sinasabi ko lang naman ang totoo ah ahahahahh!"

"Putangina mo!"

Agad sumulong si Taba at tsaka ako sinuntok pero nakailag ako, sinipa ko sya sa panga at ayun tumba.Agad bumunot ng kutsilyo yung isa at tumakbo  papunta sakin, agad ko namang hinuli ang kamay nya at saka tinuhod ang braso nya ,rinig na rinig ko pa ang sigawan at tilian ng mga tao sa palengke pero d ko na pinansin mas uunahin ko munang talonin tong mga ugok nato kisa ako ang mapatay ng mga to .

*Bogssshhhh*

*Pakkkkk*
.

*Watahhhh*

Naramdaman kong may pumalo sa likod ko at paglingon ko ay nakita ko si Angelo na naka ngisi.

Tch! Angelo ang pangalan Demonyo naman ang ugali

Hahampasin na sana ako ni Angelo nang agad ko itong na harang ng kaliwang braso ko, agad ko syang sinipa at napa yuko sya kaya naman sumampa ako sa likod nya, nang n tatayo  na sya ay tinuhod ko sya sa likod nya.

'Whooo!!! Grabe ang aga ng ehersisyo ko ah! Mag exercise tayo tuwing umaga'

Sumulong naman ang pinaka payat sa kanilang lahat na kung titingnan mo ang pangangatawan ay halatang kritikal na isang tadyak lang ata taob to . Sumulong sya at Hinuli ang leeg ko agad nyang ipinulupot ang braso nya sa leeg ko kaya medyo na hirapan akong huminga medyo lang naman.

'Aba umi iskor ang.  payat. ah! Tingnan mga natin'

Siniko ko ang sikmura nya dahilan para mapabitaw sya. At Sinuntok ko sya ng ilang ulit sa mukha, hanggang sa mawalan na sya ng malay.

"Argghhhh Adrestia!!!!!" pag lingon ko ay nakita ko si Bogart na papasulong papunta sakin , pero bago nya pa ako masaksak ay dumating ang mga parak.

"*Prrrrrttttt!!!!!!!* Taas ang kamay!!"

"Iba ba nyo yang mga hawak nyo! Kay babata  pa ninyo nag sisimula na kayo ng gulo! , imbes na mag sipagtino kayo tsk!"

Agad ko namang sinunod ang sinabi nila , itinaas ko ang kamay ko ay umupo , nagkatinginan pa kami ni Bogart, nginisihan ko lang sya samantalang sya naman ay binigyan ako ng masamang tingin.

"Tsk!... Ikaw babae ka pa naman, nakiki pag basag ulo kana! tsk sige tayo!"

"Sir!!! nadamay lang ho ako tsk! may sakit ho nanay ko wag nyo akong ikulong di ko kilala tong mga ugok na to!"

"Tss! tumahimik ka Adrestia,kahit kailan talaga Tsk Tsk Tsk" iling iling na ani Joseph kaibigan kong pulis.

Pinusasan nya na ako at halatang pinipigilan na tumawa.

'Kahit kailangan talagang pulis na to!'

"Boss pag usapan natin to oh!" Pag mamakaawa ko nag babakasakali lang naman hehee.

"Sa prisinto ka na mag paliwanag! Adrestia naman oh! kahit kailan ang tigas talaga ng ulo mo!" Inis na ani nya habang hawak hawak ang kamay kong naka posas.

Wala na akong nagawa kundi ang sumama na lang , isinakay na kami sa back-up at umupo .

Ako si Nemesis Adrestia Beunaventura, at ito ang buhay ko.

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon