Chapter 2

40 4 0
                                    

Chapter 2

Maya't-maya akong napapatingin sa cellphone ko sa tuwing umiilaw ito dahil sa mga notification. Umaasang magte text si Jayvee para makipag-usap sa akin pero wala. Ni text pagtapos naming mag-usap sa call nung isang gabi at maghiwalay ay hindi na siya nagparamdam.

Agad kong naramdaman ang kirot sa dibdib ko. Ilang araw na akong umiiyak ng dahil sa kaniya. Siguro nga wala na siyang planong ituloy pa ang meron kami, siguro pinipili na siya yung babaeng yun.

Mabilis kong pinahid ang luha sa mata ko at huminga ng malalim para hindi tuluyang mapaiyak.

"Wag ka ng iiyak ulit sa lalaking yun, couz. He don't deserve you." agad sa akin ni Briana, ang pinsan ko. Magkasama kami sa dorm at sabay na nagrereview para sa finals.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Hindi kasi madali. Matagal din yung pinagsamahan namin.

Agad aking inalo ni Briana.

"Hays, sabi na nga ba at masama ang kutob ko sa Jayvee na yan una palang ehh!" sabi pa siya at nagsabi ng kung ano anong masasamang salita kay Jayvee para gumaan ang loob ko, pero wala. Patuloy pa din ako sa pag-iyak hanggang makatulog.

Kinabukasan ay iwinala ko muna si Jayvee sa isip ko para makapag focus sa finals namin sa buong linggo. Malawak ang ngiti ko ng matapos ang linggong iyon. Kasama ko ang mga kaklase ko habang naglalakad palabas ng school.

Naagaw ang atensyon ko ng isang lalaking naghihintay sa labas. Kahit malayo palang ay kilalang kilala ko na ito. Si Jayvee. Habang papalapit palang ako sa gate ay nakita ko na agad ang tingin niya sakin. Mabilis na nagwala ang puso ko.

Nandito ba siya para magpaliwanag kung ano yung napanuod ko? Malapit na kami sa gate ng may biglang humila sa akin. Agad akong napatingin sa kaniya, Briana.

"Hoy, san mo ko dadalhin?" pagpupumiglas ko at lumingon pa sa labas ng gate pero masyado na kaming malayo doon para makita ko pa si Jayvee.

"Nakita ko yung gago mong ex. Sa kabilang gate tayo dadaan."

"What?!" sabi ko at inipon ang lakas para kumawala sa kaniya. Tumigil kami.

"Don't tell me, kakausapin mo pa din siya? Magpapauto ka na naman sa kaniya. Madami na ding nagsasabi na matagal nang sila nung babae niya at kalat na kalat yun sa school nila." para akong nabingi sa sinabi niya.

Parang hinihiwa ang puso ko sa narinig. He's two timer!

"Saan mo nalaman yan?" malamig kong tanong.

"Sa dati kong kaklase na ka schoolmate nila ngayon. Teka! San ka pupunta?" hindi ko na siya nilingon pa at pabalik na pumunta sa unang gate.

Ang kapal ng mukha niya. May lakas ng loob pa siyang pumunta dito tapos may pala girlfriend siyang iba habang kami pa!

Malamig na tingin ang ibinigay ko kay Jayvee ng makalapit ako sa kaniya.

"Baby, I'm sorry." isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kaniya. Wala akong pakialam kahit madami pa ang makakita sa amin.

"Baby your face. Asshole." I said and glare at him and walked away.

"What the fuck?!" I heard him said. Napairap nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa sakayan.

"Akala mo ba maganda ka? Hindi, oy. Kung hindi kita niligawan walang magkakagusto sayo." agad nag-init ang ulo ko sa narinig na sinabi niya. Hindi ko naisip na sasabihin niya iyon sa akin at sa madaming tao pa.

Malapit lang iyon kaya alam kong sumunod siya sakin.

"At sa tingin mo ba gwapo ka? Ehh mukha ka ngang asong nakasunod sakin." sabi ko agad sa kaniya pagkaharap ko. Narinig ko ang tawanan ng mga estudyanteng malapit samin.

Sinabi ko iyon bilang ganti ko sa sinabi niya. Kahit na alam kong hindi iyon totoo dahil gwapo siya, at noon pa man ay madami nang nagkakagusto sa kaniya.

"Sa tingin mo ba nakaka gwapo ang pagiging two timer? Hindi, oy. Alam mo bang sa tuwing nagloloko ang lalaki sa mga girlfriend nila umaatras ang hairline nila?" tumingin ako sa buhok niya at ngumisi sa kaniya.

"Mag-ingat ka. Baka wala ka pang 30 panot ka na." lumapit ako sa kaniya at ibinulong iyon bago tuluyang iniwan siya roon at sumakay ng jeep.

Pag-upo ko palang doon ay naramdaman ko na agad ang kaba ko sa ginawa. I never doned that in public, ngayon lang dahil sa ginawa niya. Hindi ko na napigilan ang inis at galit ko sa kaniya. He shouldn't do that in public dahil kahit papaano ay naging girlfriend niya pa din ako at minahal niya pa din ako kahit na nakahanap na siya ng iba. Mas masakit pa din ang panlolokong ginawa niya kesa sa sinabi niya kanina.

Pagdating ko sa dorm ay agad na bumuhos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Kahit na ganoon siya at ganoon ang ginawa niya, hindi ko maalis sa sarili ko na mahal ko siya. Hindi na ata iyon mawawala sa akin.

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now