Chapter 15

29 3 0
                                    

Chapter 15

"Sunduin kita bukas." agad akong napatingin kay Bryan nang sabihin iyon. Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"Bakit?"

Nasa apartment namin siya dahil wala pa si Briana, siya ang nagluto ng ulam naming dalawa habang ako naman ay gumagawa ng PowerPoint para sa report naming dalawa.

"Basta." sagot niya lang at nginitian ako.

Tapos na kaming kumain at kasalukuyang nagpapahinga sa upuan habang kumakain ng panghimagas. Ang binake kong cookies sa bahay noong weekends.

Pinanuod ko si Bryan na kumakain ng cookies na gawa ko. Masarap iyon at hindi gaanong matamis. Halos isang buwan na din nang maging kaming dalawa, at habang tumatagal mas napadalas pa siya sa aming apartment. Super bait at maalaga siya sa akin, kung tutuusin hindi siya mahirap magustuhan, at kahit papaano ay natutulungan niya akong huwag nang balikan ang profile ng ex ko pero minsan pag mag isa nalang ako sa gabi ay hindi ko maiwasang bumisita roon lalo na pag nakikitang online si Jay Vee.

"Ang sarap mo talagang magbake. Sa susunod nga igawa mo ko ng isang Jar." sabi niya at lumingon sa akin. Ngumiti ako sa kaniya ng pilit nang magtama ang mga mata namin.

"Sige, sa susunod."

"Sabi mo yan ahh?"

"Oo nga." natatawa kong sabi at tumango pa sa kanya.

Siguro pag-uwi ko this weekend ay igawa ko na siya, bibili nalang siguro ako ng garapon para doon. Nag-isip pa ako ng pwede kong gawing design sa cookies na ibibigay ko sa kanya hanggang sa mapaalam nasiya para umuwi sa apartmet niya. Nahimigan ko pa ang pag-aalangan nyang iwan ako doon nang magpaalam sa akin, wala pa din naman kasi si Briana.

"Uwi na muna ko sa apartment ko." he said, tumango naman ako sa kanya at tumayo na para ihatid siya palabas doon.

Nakita ko ang pag-aalangan niyang tumayo sa kinauupuan, pero nang makitang tumayo ako ay tumayo na din siya. He always like this everytime na gabi na at wala pa din si Briana. Pasimple nalang siya minsan na gagawa ng report or review kasama ako para makapag stay pa.

"Wala pa si Briana, sigurado ka bang okay ka lang ditong mag-isa? I can stay a little more time, wala naman akong gagawin sa unit ko." he said.

Mabilis akong umiling sa kaniya. Mahaba na masyado ang oras na iginugol niya dito sa apartment namin maghapon dahil dito na din siya dumaretso ng umuwi kami galing school, umuwi lang ito sa kanyang unit kanina para magbihis at pagtapos noon ay pumunta na sa unit namin para sa report.

"Hindi na kailangan. Alam kong pagod ka na rin, umuwi ka na at magpapahinga na din ako." ngumiti pa ako sa kanya to assure him, na-aalangan man ay tumango pa din siya sa akin at umuwi na.

Naglinis lang ako sandali sa apartment bago tuluyang nahiga sa aking kama, nagligpit at naglikom ng mga gamit sa school. Pagkahiga ko palang ay cellphone ang aking hinawakan, chineck ang mga messages na naroon. Kay Bryan agad ang bumungad sa akin.

Bryan:
Bukas ahh? Bago maglunch.;)

Ako:
Saan ba kasi tayo pupunta?

Bryan:
Birthdayan

Ako:
Huh? Nino?
Sasabit mo pa ko, pwede namang ikaw nalang ehh.

Bryan:
Saglit lang tayo dun pero may date talaga tayo.
Okay lang ba?

Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako habang ka text siya. Oo naman, okay lang na yayain mo kong magdate. Gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko ang sariling i-type iyon.

Ako:
Sige.

Bryan:
See you,:)

Kinabukasan ay maaga akong nagising, Sabado at wala kaming schedule ngayon tama lang sa pag-aaya ni Bryan. Naghahanap ako ng damit na maaaring masuot nang magising na din si Briana.

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now